Chapter 21

19 2 0
                                    

Hindi lang nagtagal yung weekdays kaya heto ako ngayon, sa office kasama ang lahat. Lahat ng CCA, Team manager, Team leader, supervisor, lalo na si sir Joseph  na may ari ng kompanya ay narito. Nagpa cater sya para sa lahat. Nag suggest pa ako na maglagay ng pack lunch para sa mga palaboy sa labas ng building. Hindi naman sila masyadong malapit sa building pero nadadaanan ko sila pag pupunta ako dito.

"Its been eighteen years since my company have built. I am so thankful to our supervisors, managers and leaders and even newbies! You, we, have been through a lot so, it's just  right for us to celebrate today, besides, anniversary today ng company naten! I am so glad that you guys stayed! Hindi ko naman kayo pinababayaan sa mga sweldo nyo HAHAHA" sir Joseph's long statement.

"And...! I would like to invite here the best manager and a callcenter agent, Maria Gwyneth!"nagulat pa ako nang tawagin nya ang pangalan ko. Nahihiya man pero pumunta na ako sa harapan habang pinapalakpakan ng kasamahan ko.

"Hindi ko inakala na ang taas ng mararating neto, habang pinapanood ko ang kanyang interview ay nakakahanga ang kanyang kasagutan. I've never expected to put her as their team manager as early as now. Napakagaling nyang agent... and of course! Our supervisors and other team leader and managers! Let us all congratulate ourselves dahil kahit gaano ka irita ang mga costumer naten ay napakahaba ng pasensya nyo sa pag intindi sa nga pasaway na cx HAHAHA."

"Syempre sir! Lagi yan ang paalala ni miss Ynares!"sigaw ni Marco. Nag init muli ang mukha ko sa muling pagpapalakpakan nila. Binigay ni Sir Joseph sakin ang mic.

"Uh... I... uh... I've never thought na eighteen years na pala ang company na to, and I am so glad for being here for two years! Ang babait ng mga agents and supervisors, lalo na si Sir Joseph. Sa mura kong edad ay hindi ko inakala na sa ganitong trabaho pala ako sasaya, kasama kayong lahat..."mahigpit ang hawak ko sa mic dahil sa kaba. "I hope na sana, hindi kayo magbago, be friendly to anyone. Value your patience kase isa yan sa nagpalago ng kompanyang ito. Let us now start the celebration for eighteen years anniversary of our company!" Sabay sabay kaming sumigaw saka animoy naging club na ang kinatatayuan naming lahat. Pagkatapos ng program ay nag inuman kami ng mga ka-team ko.

"Grabe no? Mas tumaas pa ang posisyon mo kesa saken."sambit ni Marco. Kanina pa kami umiinom at nakaubos na kami ng limang bote ng wine na binili ni Sir Joseph para sa celebration na ito.

"Sipag at tyaga lang yan. Hindi naman posisyon ang habol ko dito eh. Gusto ko lang ay ang makapg ipon para sa mga kapatid ko."nakangiting sabi ko.

"May boyfriend ka pala miss Yvaine..."pupungay pungay na ang mata ni Marco dala ng alak.

"Oo eh. Four years na din kami. Grabe nga eh... sya yung first love ko at first boyfriend ko. Sya rin yung first kiss ko. Napaka swerte ko sa kanya kase lagi syang nasa tabi ko. Alam mo yon? Hindi nya ako iniiwan sa lahat ng problema. Mas matino pa sya sa tatay ko."mukhang natamaan na din yata ako ng alak dahil sa tono ng pagsasalita ko.

"Ano ba ginawa ng tatay mo?"tanong nito. Nakayuko na sya kaya bahagya akong natawa. Sasagot na sana ako nang mag ring yung cellphone ko.

"Hello!"sigaw ko rito.

"[Hoy gwyneth! Anyare sayo?]" tatawag tapos yun ang bungad? Grabe naman toh!

"Wala! Bakit ba?"inis na tanong ko.

"[Lasing ka ba?]"rinig kong tanong nya.

"Hindi... nakainom lang haha..."rinig ko ang hagikhik ni Marco sa harap ko.

"[Nasa baba ako ng building nyo. Bumaba ka na. Sinusundo na kita.]" agad akong napangiti sa narinig.

"Hear that!? I am so lucky for having this guy!"

Sleep In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon