Chapter 25

14 2 0
                                    


"You look pale."sambit ni mama nang maka uwi ako ng bahay. Holiday ngayon kaya walang trabaho. Sa wakas ay nakauwi din ako.

Hindi na ako nagtaka sa sinabi ni mama dahil madalas kong makita ang sarili ko sa salamin. Nagbago na ang hitsura ko. Parang naglaho na yung kulay ng mukha ko.

Mag iisang buwan na simula nung nagtrabaho ako nang buong araw. Isang buwan na din akong hindi natutulog. May gamot akong iniinom para hindi makaramdam ng antok kaya nakakakyanan kong hindi matulog sa gabi. Magdamag at maghapon ang trabaho ko pero sulit kase nakuha ko na ang buwanang sweldo ko. Mas malaki yon kumpara sa sweldo ko nung unang trabaho ko.

Kaunting tyaga nalang at mababayaran ko na din ang bahay. Yun lang ang magiging priority ko ngayon at pagkatapos non ay babalik na ako sa pag aaral. Naiiyak ako kase napapabayaan ko ang edukasyon ko. Hindi ko ginusto to pero kailangan.

Humalik ako sa pisngi ni mama saka umupo sa sofa. Nakakapagod mag drive. Tuwing weekends nalang ako nakakauwi at nakakapag pahinga. Kahit dalawang araw lang ang weekends sinusulit ko na para kahit papaano ay nakakapagpahinga ang utak ko.

"Ate!!!"nabuhayan ang loob ko nang marinig ang hiyawan ng mga kapatid ko. Nag uunahan pang makababa sina Sofia at Sab at patakbong yumakap saken. Isang linggo lang nila akong hindi nakikita tapos ganito na nila ako ka miss.

"We missed you ate!"saad ni Sofia.

"I missed you too guys. How have you been? How's school?"tanong ko.

"Fine! "sambit ni Sabrina.

"Sound's good! You're not making me dissappointed huh..."natatawang saad ko.

Napalingon ako sa hagdan nang mapansin ko si Kevin na pababa.

"Hi." Bati nya. He looks matured than the kids I saw everywhere.

"Hi. Aren't you happy to see me?"pabirong tanong ko.

"You looks like a zombie. I don't want to see you like that. You're making me feel gulity."walang emosyong tugon nya.

"Why? You didn't do anything. Nothing to feel gulity Kev."sambit ko. Lumapit lang sya saken saka umupo sa tabi ko.

"How are you?"tanong nya.

"I'm good. As usual. How are you here? Si mama? How is she doing?"tanong ko.

"She's doing good. She is always taking care of us. As what you told her." nagkibit balikat lang ako saka ginulo ang buhok nya. Maya maya naman ay narinig ko ang pagbukas ng kwarto ko.

"Good mornㅡ hey! Nakauwi ka na pala! Hi!"bati ni Drake. Parang galing naman akong ibang bansa kung batiin nila.

"Kagigising mo lang?"tanong ko sa kanya nang makababa.

"Obvious ba?"natatawang saad nya. Tumawa nalang din ako.
"Buti nalang talaga may holidays kahit papaano. Labas tayo?"yaya nya. Ngumiti ako saka tumango. Napa YES sya saka tumayo na ako kase tumawag na si mama na ready na daw ang breakfast.

"Ma, ano balak mo sa birthday ng kambal?"tanong ko kay mama habang nag be-breakfast kami.

Malapit na kasi ang birthday nina Sab at Sofia. Gusto ko hingin ang opinion ni mama. Kahit simpleng handaan lang.

"Okay lang naman kung hindi bongga ate eh."sambit ni Sabrina.

"Ayos lang. Ako bahala. May pang handa naman tayo eh."sagot ko naman.

Tinapos na namin ang breakfast at umakyat na ako para maligo. Dumiretso lang kasi ako dito pagkagising ko sa apartment na inuupahan ko sa tapat ng building.

Hindi na muna ako lumabas ng kwarto at nag chill na muna don. Hindi ko alam pero mas comfortable ako sa kwarto ko dito kesa sa kwarto ko sa apartment.

Habang nagmumuni muni ay nakaramdam din ako ng boredom. Napag isipan ko tuloy nang mag bihis. Na aya pala si Drake kanina na lumabas.

Sleep In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon