"Okay ka na dito ma?""Oo... ingat kayo hah?"tugon ni mama bago tumalikod.
Nang makapasok na sya sa minimart ay pinaandar ko na ang kotse ko.
Nasa likod ko lang yung tatlo. Si Drake ay hindi sa amin natulog kaya hindi namin kasabay.
"Bye ate!"tugon ng dalawa nang makarating sila.
Pinaandar ko na ang kotse ko saka nagtungo na ng school. Nang makarating sa parking lot ay nakita ko ang kotse ni Drake. Palatandaan na nandito na sya.
Pumasok na ako ng gate at naglakad papunta sa building namin.
Wala pa si Yuki sa room kaya tahimik pa. Si Yuki lang talaga ang maingay sa room pag nandito.
Nagbasa na muna ako ng notes habang naghihintay sa kanya. Wala naman akong masyadong ka close dito para makipag usap.
Nangungunot ang kilay ko habang nagbabasa dahil minsan ay nawawalan ako ng paningin. Bigla nalang lalabo at minsan ay magdidilim. Yumuko ako sa desk ng hilo. Kadalasan na nangyayari to.
"K-kaunting tiis nalang... m-makakapag pahinga ka na... "bulong ko sa sarili ko.
Ilang minuto akong ganon hanggang sa may tumapik sa balikat ko. Nang mag angat ako ng tingin ay hindi ko muna nakilala hanggang sa sinampal ako ni Yuki.
"What's with the face huh?"tanong nya habang naglalagay ng bag sa upuan.
Masyadong nanlabo ang paningin ko kanina kaya hindi ko naaninag ang mukha nya.
"L-late ka..."pasimpleng tugon ko para hindi na sya magtanong.
"Duh? 7am palang. Wala pa ngang lecturer..."
"Ah..."sabi ko saka umayos ng upo. Pasimple kong hinilot ang sintido ko saka
Ilang minuto muna bago magsimula ang klase.
Isang quiz kada subject ngayon kaya medyo occupied ang utak ko ngayon.
Nang mag first break ay tinamad akong bumaba. Tinext ko si Drake na pumunta sa room namin kasi hindi kami kanina nagkita.
Ilang segundo ko palang na send, papasok na sya ng room. Siguro plano nya nang pumunta dito.
Nang makapasok ay hinanap nya agad ako. Nagtama ang paningin namin kaya lumapit sya.
"Hi. . ."tugon niya saka umupo sa desk. Buti nalang wala pa si Yuki.
"Nag snack ka?"tanong ko.
"May dala akong burger, kaso malamig na hehe... kanina ko pa umaga binili e."
Binuksan nya ang bag saka nilabas ang tatlong burger.
"Kay Yuki yung isa?"tanong ko nang mapansing tatlo yon.
"Hindi no! Sayo yung dalawa. Naka isa naman na ako kanina. "Sabi nya na ikinatawa ko.
"B-baba!"bahagya kong tinulak si Drake kaya napatayo sya.
"Bakit?"
"Hi Gwy! I bought you sna- what on earth are you doing here?"singhal ni Yuki kay Drake.
"Aba... kala mo talaga pagmamay ari mo no?"
"Huh Anthony Drake Valdemore! Wait me to be successful then I will slap you the title of this school with my full name on it! Pag nagka anak ka hindi ko papasukin yon dito!"
"Gwy Oh... ang sama ng ugali. Hindi daw papasukin yung anak natin."sumbong ni Drake.
Umiling nalang ako saka binuksan yung burger.
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...