Chapter 13

16 2 0
                                    

"Can I have this dance?"tanong nya habang naka lahad padin ang mga kamay sa harap ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya at patuloy na tumutugtog ang PERFECT song by Ed Sheeran.

"You planned all of these?" I curiously asked. He nodded and shrugged. I then held his hand and walk with him.

Huminto kami hindi malayo sa mesang pinuwestohan namin kanina. Hinawakan nya ang baywang ko samantalang nakahawak naman ako sa balikat nya. Nakangiti lang syang nakatitig saken. Maya maya lang ay naramdaman ko nang sumasayaw na ang mga paa ko.

"Sino yung nag pa tugtog?" Natatawang tanong ko.

"Si noya."

"Nag abala ka pa sa gantong oras noh?"

"No... hahah. They insist. Naalala kasi nila na birthday mo ngayon kaya naisipan nilang mag decorate dito habang tulog ka."paliwanag nya. Tumango tango lang ako saka hindi na muna nag salita. Ilang minuto lang ay nanahimik ang paligid namin. Walang ibang maririnig kundi ang tugtog ng speaker na nasa malapit sa pwesto namin.

"Balik na tayo. Nangangawit na paa ko."giit ko nang makaramdam ng konting awkwardness. Tumango naman sya at inalalayan akong umupo.

"Ikaw gumawa nito?"tanong ko. Tinutukoy ko yung desserts na nasa harap ko.

"Yes pero kasama ko mama mo."sabi nya.
Natawa pa ako dahil mukhang nahiya pa sya sa sinabi nya.

"Okay lang. Atlis may ambag ka dito hahaha."biro ko.

"Hoy! Ako yung gumawa nyan! Inalalayan lang ako ni tita baka daw kase hindi mo magustuhan yung timpla."nakangusong giit nya. Napailing nalang ako at nag kibit balikat.

"Nasan nga pala sina yuki?"tanong ko nang patapos na ang kanta.

"Nandyan lang yan, sa gilid gilid."tugon niya saka sumubo ng dessert. Tumusok sya ng dessert sa platito ko saka isinubo saken. Tinanggap ko naman yon kaya napangiti sya. Nang malunok ko na yung dessert ay lumingon ako sa pwesto nila kanina,nakita ko sila na parang walang pakealam sa mundo. Si yuki ay naka upo sa metal stool habang naka indian seat at nag seselpon habang may kinakain na tobleron. Nasa box pa ung iba. Si noya naman ay maayos na nakaupo sa pader na bakod ni mama sa pinakaiingatan nyang tulips garden habang nagseselpon habang may hawak ng bote ng alak. Naka landscape pa ang selpon nya kaya siguro naglalaro to. Yung kambal naman ay nasa damuhan, linalagyan nila isa isa ang kanilang mga buhok ng maliliit na bulaklak na kulay white at maya maya ay tatawa. Si kevin naman ay naglalaro din habang si mama ay nakatingin samin. Agad syang ngumiti at tumango nang mapatingin ako sa kanya. Sinenyasan nya akong magpatuloy at wag daw syang isipin.

Maya maya lang ay nabaling kay drake ang atensyon ko nang hawakan nya ang kamay ko. 

"How does that taste?"tanong nya nang nakatingin sa mata ko.

"Okay naman, medyo nasobrahan sa tamis pero goods!"tugon ko saka nag tumbs up pa.

"Hindi yon! I mean, how does that taste?"

"Yung ano?"naguguluhang tanong ko.

"My lips."saad nya. Napatulala pa ako at hindi pa nagsisink in sa utak ko ang tanong nya. Mukhang napansin nya yon kaya nilinaw nya.

"Yung kiss ko? Kamusta? Ayos lang? How's my lips? "Paliwanag nya. Napalunok ako nang maalala muli yung nangyari kanina.

"D-drake. U-uh... ano ba! Bakit ba yan agad ang tinatanong mo!"sigaw ko. Pansin kong napatingin silang lahat saken. I gave them an apologizing smile saka tumango sila. Bumalik ang atensyon ko kay drake saka tumaas ang kilay nya. He was like, inquiring how was that. What the fuck. Ano naman ang isasagot ko. E puro kaba lang yung naintindihan ko.

Sleep In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon