Chapter 18

11 2 0
                                    


"Thank you for calling Hotel Reservation, how can I assist you today?"

Its been month since na hired ako as a call center. I kind of, enjoy it. Yun lang ay hindi ko na nagagawa ang mga gawain ko sa school kase every night is hindi lang sampu ang natatanggap kong calls. Madalas pa ay nagkakaproblema sa mga sink or faucet sa hotel rooms nila kaya may kaunting stress din. Good thing is mabait ang leader namin. Ang team namin ay nagtutulong tulong sa bawat problema na nagkakaroon kami sa mga caller namin kaya agad na nasosolve.

"[I will be going to have a vacation there in philippines, can you look for the cheapest room available?]"

"That's Great! I'll be more happy to find you a room, let me go ahead and check it real quick." pinaghintay ko sya ng kalahating segundo hanggang sa mabuksan ko na ang files ng mga room lists. I read it with a monotone way.

"[Alright. Please reserve that for me.]"

"Consider it done! Is there anything that I can help you with?"

"No. That's all."

"Alright. Thank you for choosing hotel reservation, have a nice day!" then I hang up the phone. Paulit ulit lang yung script na sinasabi ko sa bawat bagong callers. Lumingon ako sa  selpon ko nang mag ilaw ito. 2:47 am na. Kailangan ko nang matulog. Madalas na akong nalelate dahil sa puyat na din. Isang beses na din akong napagalitan ng adviser namin dahil daw lagi akong late. Nang sabihin kong working student ako ay naintindihan nya naman.

Hihiga na sana ako nang maalala kong kailangan ko palang mag review dahil exam na bukas. Hindi naman magtatagal dahil pati sa school ay puro pag rereview lang ang ginagawa ko.

Kinuha ko na ang bag ko at nilabas ang mga notes ng rereview-hin ko. Sa kwarto ko ay kadalasan puro chocolate ang makikita dahil yung ang libangan ko gabi gabi para hindi ako antukin. Pero nag iingat naman ako para hindi masira ang ngipin ko. Madalas naman ay kape.

Isang oras akong nag review at nang matapos ay humiga na ako. Nag set ako ng alarm para magising ako ng maaga bukas.

Heto lang ang routine ko. Tatanggap ng sunod sunod na tawag pagkatapos ay mag rereview. Gigising ng alas kwatro para maghanda para sa school. Palaki nang palaki na nga ang eyebags ko dahil nauumagahan ako sa pagtulog. Halos isang oras nalang ang tulog ko, kadalasan nga ay idlip nalang ang nagagawa ko. Puro chocolate ang laman ng bag ko dahil yun daw ay makakapag pa wala ng antok, tumatalab naman. Pero nag iingat parin ako sa sakit na pwede kong makuha gaya ng diabetes.

Nang magising ako ay agad akong naligo at bumaba. Nakakain na kami ng mga kapatid ko at sinundo na din kami ni drake. Hinatid na muna namin sila sa campus nila tapos ay dumiretso na kami sa school namin.

"Hello."bati ni hazel nang magtipon kaming lima. Si yuki ay naka hawak sa braso ko. "Ang laki ng eyebags mo gwy HAHAHA."puna ni hazel sa eyebags ko. Lagi na dito naatutuon ang atensyon nila.

"Exam natin ngayon. Nakapag review kayo?"tanong ko. Sadyang iniiba ko lang ang topic.

"Buti na lang nakapag review ako kagabi," sambit ni yuki.

"Me too."sagot naman ni hazel. Lumingon ako kay drake.

"Syempre. Magagalit bebe ko pag hindi ako nag review HAHAHA."bahagya silang natawa. "Ikaw pre?"baling nya kay noya. Nag aalangan pa syang sumagot at nagkamot pa ng batok.

"Wala, ano lang, prayer."sambit nito. Nagsitawanan lang sila at napagpasyahan na magsipasok na ng mga room namin. Sabay sabay lang kaming tatlo nila yuki at hazel dahil katabi lang namin ang room nila. Sina drake at noya ay hindi na namin pinasama.

Nang makakyat kami ay di nagtagal ay nag simula na din ang exam. Sobrang tahimik ng room dahil strict yung lecturer ngayon. Bukod sa ayaw ng maingay ay hindi ka dapat lumingon. Isang oras lang ay natapos na din kaming lahat. Pangalawa ako sa highest score kasunod naman ay si yuki pero tatlo silang pareho ang score.

Sleep In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon