"P-pa'nong?"hindi makapaniwalang tanong ni Drake na'ng sabihin ko sa kanya yung naging plano ko last week. Wala nang bawian yon dahil sinabi ko na kay sir Joseph na willing akong mag trabaho nang buong araw.
"I have to do this Drake-"
"Tita alam mo ba to? Hindi pwede to! Gwy! Nag aaral ka eh! Wag naman ganto... sinabi ko palang sayo last week diba? Sabi ko tutulungan kita, wag mo pababayaan ang pag aaral mo."
"Hindi ko pababayaan ang pag aaral ko. Mag aaral pa 'ko Drake. Kaunting panahon lang para sa problema ko-" napahilamos ng mukha si Drake saka madiin na tumalikod. Humarpa din sya saken at akmang may sasabihin pero inunahan ko na.
"What all I need is your understanding. Diba sabi mo, sabihin ko sayo lahat ng kailangan ko? Fine. Kailangan ko ng pag intindi mo Drake. Let me do this alone. You can help me by just understanding my situation. Letting me take this alone. Challenge lang to para saken, just let me do this, hmm?" pansin ko na hindi na sya nakapag salita.
"Ohㅡokay. S-sabihin mo lang kung may kaylangan ka pa ha?"
"Gwyneth, makakasama sa kalusugan mo ang gagawin mo. Try to think about it dear. Hindi ka makakatulog-"
"I knew it ma. I can handle myself. Wag nga kayong mag alala saken. Malaki na ako."natatawang saad ko. "Hindi na ako teenager para sa mga pag aalala nyo."
"Kahit pa Gwy, hindi namin pwedeng hayaan ka lang. Nag aalala din kami kase mahal ka namin."
"Alam ko naman yon eh. Sorry kung nag aalala kayo saken. Saglit lang to hmm? Guys. Pagkatapos nito, lagi na akong makikinig sa inyo."nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, ramdam ko ang pag aalala nila saken pero may opinyon ako.
Bigla ko nalang naramdaman ang yakap ni mama saken. Pinigilan kong humikbi kaya binaon ko nalang ang mukha ko sa balikat nya at niyakap sya pabalik.
"Wag kang magsasalita ma."pigil ko dahil alam ko ang mga sasabihin nya. Desisyon ko din naman ang hindi sya pagtrabahuin eh.
Nagsiakyat na kaming lahat. Nasa kwarto ko din si Drake at dahil sa ilang araw na din syang hindi nakapunta dito, dito daw sya matutulog ngayon.
"Hindi mo ba ako na miss?"malambing na tanong nya saken. Nakahiga kami sa kama ko at yakap yakap nya ako. Humingi ako ng kaunting oras kay sir Joseph para sa pahinga para kahit papaano ay mabigyan ko ng time si Drake.
"Miss na miss na kaya kita! Hindi ka pumupunta dito eh." giit ko.
"Hindi ka naman din pumapasok eh kaya hindi tayo nagkikita. Saka madami akong inasikaso sa bahay. Lilipat yung mga pinsan ko dun. Wala naman masyado sina mama don lagi kaya doon mag s-stay ang mga pinsan ko para sa school dito nalang din mag aral. Pinalinis ko ang mga guest room na pag gagamitan nila."paliwang nya. Iilan palang sa mga pinsan nya ang nakita ko kaya hindi ako sigurado kung kilala nila akk bilang girlfriend ni Drake.
"Gusto mo sila makita?"tanong nya. Dahan dahan akong tumango.
"Bukas?"sambit nya. Napaangat ang tingin ko sa kanya kaya bahagya syang natawa. "Nagulat ka yata? Hindi naman nangangain ang mga pinsan ko HAHAHA"
"Hindi ko alam... nahihiya lang ako."
"Don't be. Girfriend kaya kita."bahagya ko syang pinalo sa dibdib kaya natawa sya.
Bumaba kami para mag dinner. Mabilis lang yon kaya umakyat na din kami para matulog. May pasok kinabukasan kaya hindi ko na sya kinulit. Nasanay na siguro ako na natutulog ng madaling araw kaya buong magdamag ko langs yang tinitigan. Ilang beses ko pa'ng hinalikat ang tip ng ilong nya dahil bahagya akong nanggigigil sa tangos ng ilong nya. Natatawa nalang ako pag nagsasalubong ang kilay nya dahil sa kakulitan ko.
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...