Chapter 9

22 2 0
                                    


First break na kaya nasa hallway kami ngayon bababa patungong canteen. Malapit na kami sa dulo ng hagdanan nang may makitang pamilyar na lalaki sa baba. Naka work attire sya at kausap nya yung co-adviser namin. Lumiwanag yung mukha ko nang lumingon sya at saka ngumiti saken.!

"Daddy!!!"parang batang sigaw ko. Ilang araw ko syang hindi nakita kase minsan hindi ko sya naabutan. Minsan naman ay hindi sya umuuwi. Daddy's girl yata to eh.

"Hey. How have you been?"pangungumusta nya at hinwakan ang magkabilang pisngi ko.

"Maayos naman po ako dad. Ikaw ba? Namimiss ka na namin. Madalang ka nalang umuuwi ng bahay saka sumabay samin mag dinner."

"I'm so sorry gwyneth. Madami kasi kaming ginagawa sa office. Good thing is mag ooverseas ang  CEO namin kaya pwede akong hindi pumasok bukas."tugon nya saka lumiwanag muli ang mukha ko.

"Talaga dad!?"tuwang tuwa ako! Tumango sya at hinaplos ang ulo ko. Tumingin sya sa orasan at bumaling muli saken.

"Uhm. I have to go. We a lot to do today so see you later?" Nakangiting tugon nya. Mapakla lang akong ngumiti saka tumango sa kanya.

"See you dad."paalam ko. Tinapik nya ang balikat ko saka hinalikan ako sa noo. Tumalikod na sya saka nagsimula nang humakbang papalayo saken. Ayos lang. Magkikita naman kami mamaya eh.

Kinuha ko ang phone ko saka dun ko napansin ang oras! Nilingon ko sa likuran ko si yuki kaso wala na. Kinginang babaeng yon! Five minutes nalang at mag bebell na. Pupunta na sana ako ng canteen kaso biglang dumating si drake may dala syang biscuit at juice. Nang makalapit ay inabot nya saken yon.

"Binilhan nalang kita. Bilisan mong ubusin yan dahil mag be-bell na."tugon nya.

"Thank you hah."saad ko naman saka binuksan ang juice na binili nya.

"No worries. Kamusta usapan nyo ng daddy mo?"

"Uuwi daw sya mamaya!"nakangiting saad ko.

"Mabuti naman. Mukhang miss na miss mo na talaga sya."

"Sobra!"

"Upo ka. Mangangawit ka nyan."hinila nya ko sa gilid ng hallway sa first floor saka pinaupo sa mababang pader na nagsisilbing harang. Binuksan nya ang biscuit ko atsaka sinubo pa saken.

"Three minutes nalang gwy. Wala kang kasama bumaba?"tanong nya.

"Si yuki. Kaso ewan ko kung nasan na. "

"Humanda saken yon."panghahamon nya. Natawa nalang ako saka inubos yung binili nya. Di nagtagal ay nag bell na kaya hinatid muli ako ni drake sa room namin. Nakita nya pa si yuki inuubos yung kinain sa bibig kaya sinamaan nya ito ng tingin. Tinaasan lang sya ng kilay ni yuki saka tinarayan. Pumasok na ko at sya naman ay bumaba na. Nang makalapit ako kay yuki ay agad syang uminom ng tubig.

"Hey. You were with your dad so I left you there. Sorry."tugon nya. Hindi naman ako galit eh.

"Okay lang. Nakapag snack na din naman ako."

"Siksikan sa canteen. Good thing naka siksik ka?"

Umiling ako.

"Si drake bumili."sagot ko.

"Ah."yun lang saka tumahimik na muli sya. Dumating ang lecturer namin at konting discuzz at sandamakmak na quiz ang ginawa namin. Hindi ko alam kung quiz pa ba to. Thirty items saka passing score is twenty eight. Masungit kasi to. Strict pa! Tyinagaan ko nalang kase nag review naman ako kagabi kaya hindi masyadong mahirap at agad din naman akong natapos. Nang matapos na din ang mga kaklase ko ay nag exchanged paper na kami ni yuki. Sinulat ni miss sa white board yung mga answer at sunod sunod na tsinekan ko ang papel ni yuki. Napahinto pa ko sa number twenty six kase mali sya. Pagkatapos non ay sunod sunod na ulit.

Sleep In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon