Naging busy kami afterwards. Masyadong madaming pinapagawa ang Mapeh namin. Buti nalang nanjan sina yuki. As usual, nag tulong tulong lang ulit kami sa mga project."This one. Try this. Put it on... there."turo ni yuki sa tuktok ng installation art na ginagawa namin. Nasa mansyon nila kami ngayon at gumagawa ng project sa mapeh. As what I have said, madami kaming gawain sa mapeh.
"Damn you anthony! Don't step on that stick! Ugh!! Bastard!" Sinabunutan ni yuki si drake nang maapakan yung stick na gagamitin namin sa installation art.
"Hala! Di ko sinasadya! Epal naman to! Nasisira yung buhok ko!"reklamo ni drake. Aba't inuna pa yung buhok nya ah? Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy nalang sa ginagawa namin. Si noya naman ay nasa couch lang ni yuki at pangiti ngiti habang may ka text sa phone. Mukhang nagkakadevelopan na sila nung hazel ah.
"Gosh. He gives me the creeps." parang kinikilabutan na tugon ni yuki habang naka tingin kay noya. Nilingon ko naman yon. Nakatingala na si noya ngayon at pangiti ngiti. Pabagsak ulit syang humiga sa couch saka hinayaang mahulog yung phone nya.
"Bro? Ganda ng mood natin ngayon ah?"si drake. Nilapitan nya si noya saka ginulo kaya naka kunot ang noo ni noya ngayon.
"Mag de-date kami ni hazel bro!"tuwang tuwang sabi nya.
"We? Kelan?"tanong naman ni drake.
"Diko pa alam. Pag hindi daw sya busy."
"Yuck."yuki made a disgusted face.
"Hoy! Kung naiinggit ka, suggest ko sayong maghanap nalang din. O di kaya manligaw ka sa mga lalaki! Hindi yung naninira ka ng mood."inis na tugon ni drake kay yuki. Yuki just rolled her eyes and went back to what she is doing.
Sa bahay na nila kami nag lunch saka tinapos yung ginagawa naming project. Nung hapon naman ay hinatid ako ni drake sa bahay, sya naman ay umuwi na. Sabi nya ay susunduin nya daw ako sa lunes. Pumayag naman ako kaya natuwa sya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kasi mag sisimba kaming lahat. Sumama si drake saka sa kanya din ako sumakay. Nung matapos na yung misa ay kumain muna kami sa labas. Pagakatapos ay namasyal at nag shopping ng kaunti sa mall. Pagkauwi namin ay pagod na humiga yung mga kapatid ko sa couch. Puro takbo kasi yung ginawa nila nung pumunta kami sa favorite nilang park. Kinabukasan naman ay sinundo ako ni drake sa bahay. Motor nya na ang ginamit nya dahil nirequest ko. Lagi nalang kotse nya yung gamit namin.
Pagkarating namin sa parking lot ay nakita pa namin si noya sa tabi ng kotse nya may kausap na babae. Maganda at mukhang matalino."Hindi pa ako sure eh, pero titignan ko."sabi nung babae. Ang kyut pa ng boses nya. Nagkibit balikat naman si noya saka tumango sabay ngiti.
"Sige ba. Hintayin kita."tugon ni noya. Inakbayan nya na yung babae saka naglakad papasok ng gate. Nilingon ko si drake at mukhang gulat pa sa nakita nya.
"Lakas ng amats nun ah. Grabe."di makapaniwalang sambit nya. Bumaba nalang kami saka pumasok na sa campus. Hinatid lang ako ni drake sa tapat ng room namin saka tumakbo na ulit pababa.
"Hey!"tawag agad ni yuki saken nang makita ako. "I forgot to bring the project we made. Pero pwede pa siguro tomorrow."she said.
"Sige. Sabihin nalang natin sa lecturer."
"Where's anthony?"tanong nya.
"Nasa room na nila. Huy! Nakita namin kapatid mo! HAHA."sumbong ko agad. Ang hilig ko sa chika pag tungkol sa kanila.
"So?"
"Kasama nya yata yung hazel."
"Hazel who?"
"Yung lagi nya binabanggit! Mukhang nagkakadevelopan na sila. Pero kanina, parang sila na nga eh. I don't know. "I shrugged.
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...