Buong akala ko ay wala na ang problema ko. Akala ko tuluyan nang binawi sakin ang problema ko. Pero hindi talaga maiiwasan ang mga ganong itinakda ng tadhana para satin. Kung itinagala tayong maghirap habang buhay, pang habang buhay na talaga.
Bawat linggo at buwan na lumilipas ay may panibagong problema talaga akong hinaharap. Minsan ko na naitatanong kung deserve ko ba talaga yung paghihirap na to? Ipinagtataka ko talaga kung anong kasalanan ang nagawa ko sa mundo para parusahan ako ng ganto.
Madaling araw na at gising parin ako. May pasok ako bukas kaya hindi nalang ako matutulog para hindi na kami ma late.
I am currently inside my study room when my phone suddenly rang. I picked it up and in my gasped.
Dr. Lopez.
Sinagot ko na yon dahil sa pagtataka. Nagpa check up naman ako sa kanya last day...
"Hello?"
"[Gwyneth? You're still awake. As expected...]"
"Napatawag po kayo?"tanong ko.
"[Do you have class tomorrow?"]tanong nya sa kabilang linya.
"Meron po Doc. Bakit po?"
"[Pagkatapos ng class mo, pumunta ka sa hospital. I have something important to tell you.]"tugon nya na ikinakunot ko ng noo.
"Hindi po pwede ngayon nalang?"tanong ko. Ilang segundo muna sya bago sumagot.
"[It's late. May meeting pa ako bukas ng umaga. I just have a short time to remind you.]"
"M-may pasok po ako bukas-"
"[After your class. Be here before five.]"tugon nya saka ibinaba ang tawag.
Napatungo ako sa desk ko nang ilapag ko ang phone. Mukhang kailangan ko talaga pumunta bukas.
Nang mag umaga na ay umuna na akong bumaba. Ako na ang nagluto ng breakfast para wala nang gawin si mama paggising. Matapos ko magluto ay ginising ko na sila. Hindi naman nagtagal ay nagsibabab na agad sila. Pinasok ko pa nga lang si mama kase mukhang puyat pa.
"Ang bango. Ano niluto mo?"tanong ni Drake.
"Nag fried rice lang naman ako ah... kumain ka nalang Drake. Male-late tayo."tugon ko saka umupo na.
"May lakad ka ngayon ma?"tanong ko kay mama na nasa harap.
"Mag go-grocery ako. Kulang na stock natin."sagot nya.
"Ate, are you gonna pick us up again mamayang afternoon?"tanong ni Sofia.
May lakad ako mamaya at hindi nila pwedeng malaman yon.
"H-hindi..."Napatingin sakin sina Drake.
"May ano ako... may aasikasuhin sa school. Yung mga project na na missed ko nung may trabaho pa ko ng umaga."tugon ko.
"Samahan kita?"tanong ni Drake kaya madali akong umiling.
"N-no. I can do it alone. Ano... Drake, ikaw nalang magsundo sa kanila mamaya. Okay lang?"tanong ko sa kanya. Tumigil muna ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Oo naman."sambit nya.
Mabilis naming tinapos ang breakfast at mabilis din kaming nakaalis. Sinabay na namin si mama at binaba sa minimart hindi malayo samin.
"Wag mo na 'ko ihatid Drake. Sa kabilang building pa kayo eh."sambit ko. Magkadikit lang naman ang building namin pero parang nalalayuan parin ako.
"Oo nga e. Hiniwalay pa talaga ako sa ibang building."reklamo nya.
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...