Chapter 10

17 2 0
                                    


Its been four weeks? Since sofia got dengue. Grabe yung sinapit nya nung umuwi sya. Madalas syang magsuka kaya lagi syang nadadala sa hospital. Nung two weeks na at hindi pa rin gumagaling si sofia ay nilipat na sya ni mama sa ibang hospital. Si drake ay laging nasa bahay at hindi na umuwi sa kanila. Yung mommy nya nalang yung pumunta sa bahay saka dinalan sya ng damit. Madalang nyang kinakamusta si sofia. Nakakahiya din minsan.

Si daddy naman, hindi pa umuuwi. Hindi namin alam kung aware ba sya sa nangyari kay sofia. Pero kahit ganon ay hindi ko parin magawang magalit kay dad. Siguro dahil sa sobrang pagiging malapit ko sa kanya.

"Boo!" halos mapatalon ako sa gulat nang bilang sumigaw si yuki sa likod ko! Sinamaan ko sya ng tingin kaso tinawanan nya lang ako.

"Hey! What's bothering you?"nag aalalang tanong ni hazel. Naging mag ka close na din kami dahil sa araw araw na pagsasama namin. Maayos din naman kasi ang relationship nila ni noya. Buti naman.

"I'm okay hehe. Nasan si drake?"tanong ko sa nagpalinga linga sa likuran nila.

"He said he forgot something in their room. Oh! There he is."

"Hoy panget! Ba't di mo kami sinundo sa taas hah!?" Sigaw ni yuki kay drake nang makarating.

"Manahimik ka Hapon! Kokotongan kita!"pagbabanta nya.  Lumapit sakin si drake sakin saka inakbayan ako sa balikat. Nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot. Tapos na ang lahat ng lesson namin kaya eto kami. Pauwi na. Sumakay na ko sa kotse ni drake saka binuksan ang window shield. Nagpaalam na kami ni drake kela noya saka sya nag drive paalis.

"Ano ginawa nyo kanina?"pambabasag ko sa katahimikan.

"Wala masyado."he shrugged. "Kayo ba?"

"Ganun din. Absent yung tatlong subject namin kaya nag online games lang yung iba."sambit ko. Hawak hawak nya ang kamay ko habang nagmamaneho sya. Gawain nya yan tuwing sasakay ako dito. Maya maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay.

"Hindi ka matutulog dito?"tanong ko.

"Hmm... pwede siguro... kuha lang ako mapagbibihisan. Babalik ako."nakangiting tugon nya saka hinalikan ako sa noo.

Nang makababa ako ay natigilan ako nang biglang sumigaw si mama. Kunot noong napalingon si drake sa bahay namin at nagtataka.

"Si tita ba yun?"wondering, he asked me. Nagkibit balikat lang ako saka inisip na baka nagkamali lang kami ng pagkakarinig. Pagkatapos kong magpaalam kay drake ay pumasok na ko ng gate. Hinintay muna ako makapasok ni drake saka sya umalis. Lumakas yung kabog ng dibdib ko nang marinig ko ulit yung sigaw ni mama. Ngayon ko lang narinig ang ganyang boses nya.

"Get out! Lumayas ka!" Sa pagkakataong yon ay hindi na ko nagkibit balikat sa halip ay marahas kong tinakbo ang pintuan namin. Gulat akong makita si daddy na naghihirap magdala ng luggage nya pababa dahil hindi pa nasasara at nagkakalat pa yung mga damit! Si mama naman ay halos mahimatay na sa iyak! H-hindi ko alam kung anong nangyayari!

"M-ma! Dad! Ano yan!?"sigaw ko. May galit na sa tono kong sinigaw yon kasi pati mga kapatid ko ay nagsisiiyakan na. Si kevin na laging chill at parang walang problema, ngayon ay namumula na ang mga mata siguro sa kaka iyak at galit ang makikita sa kanyang mukha. Yakap yakap nya ang kambal.

"Ano!? Ma!? Ba't mo pinapaalis si daddy!? Dad! Ano to!? Ano yan!?"naluluha na ko at hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko!

"Sagutin nyo ko! Bakit ka umiiyak ma!? Dad!? Bakit... b-bakit may dala kang luggage?? Ma!? Pinapalayas mo si daddy!? Bakit!?"galit na sigaw ko. Wala parin silang kibo. Si mama ay malalakas na hininga lang ang nilalabas at hindi nila ako sinasagot. Si daddy ay padabog na inaayos ang mga damit sa luggage nya!

Sleep In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon