Weeks and months had passed since I went back to school. Nanumbalik ang saya ko nang makasama ko ulit ang mga kaklase at kaibigan ko. Laki'ng tuwa ko nalang dahil mabilis natapos ang gampanin at nakabalik ako sa pag aaral. Sinikap kong makahabol sa mga na missed kong lessons and quizzes this previous quarter.Pero hindi porque natapos ko na at nabayaran ko na ang bahay ay wala na akong problema. Yun lagi ang kinakatakot ko. Ang ma solve ko ang problema dahil lagi nalang may papalit na panibago.
Sa loob ng anim na buwan ay hindi lang nakaka tatlong beses sa isang linggo ako tinatawagan ni Doc Lopez. He keeps reminding me to take medicines kase may nakita daw syang kakaiba'ng namuo sa utak ko. Pero dahil sa katigasan ng ulo ko ay inignora ko lang yon.
Lagi nya akong pinapagalitan pag nagpapa check up ako kase ang bilin nya saken ay pumunta tuwing weekend pero dahil hindi ko pa rin binitawan ang trabaho ko bilang night shift call center agent, hindi ako nagkakaroon ng enough time para makapag pa-check up.
"Gagi ang laki na ng eyebags mo sa mata."puna ni Noya habang nag la lunch kami.
"Bakit? May eyebags ba sa singit?"sarkastikong tanong ni Yuki.
Hindi ko nalang sila pinansin. Ramdam ko ang titig ni Drake sa tabi ko kaya nilingon ko sya.
"Parang namumutla ka... may masakit ba sayo?"tanong nya. Halata sa boses nya ang pag aalala.
Bahagya akong umiling.
"Wala akong sakit. Puyat lang siguro."pagsisinungaling ko.
"Madaling araw ka na kase natutulog dahil jaan sa trabaho mo eh. Tumigil ka na muna kaya?"tanong nya na ikinalingon ko.
"Alam mo namang hindi pwede Drake diba?"mahinahong tugon ko. Bumuntong hininga sya saka umayos ng upo.
Tahimik naming tinapos ang lunch at umakyat na kami pagkatapos.
The day went on normally. Nothing really much happened.
Ganon lang din ang mga sumunod na araw at linggo. Papasok ng maaga, magla-lunch kasama sila Yuki, tapos pag uwian susunduin ko ang mga kapatid ko na naghihintay na saken. Sa gabi naman ay nagtatrabaho parin ako. Hindi ko talaga kaya na iwan yon dahil yun lang ang inaasahan namin.
Dinner na kaya narinig ko na ang tawag ni mama mula sa baba. Iniwan ko na munang naka bukas ang monitor ko saka lumabas ng study room.
Pagkababa ko ay nandun na si Drake. Tinutulungan nya si mama na mag ayos ng lamesa para sa dinner. Nginingitian nya ako pag bumabalik sya sa mesa para mag lagay ng plato.
Para tuloy kaming tanga neto.
"Kuya Anthony."agaw ni Sabrina sa atensyon ni Drake. Nilingon sya nito at inangat ang dalawang kilay na parang nagtatanong.
"Do you have cousin named Jayden Caile?"nangunot ako sa tanong nya. Lumingon ako kay Drake nang dahan dahan syang tumango.
"Kilala mo?"tanong ni Drake.
"Yup. Late transferree namin sya. Why did he transfered so late? His grade would be affected."concern na tugon nito.
Aba!
"Nagkaroon kasi sila ng sudden migration kaya kailangan nyang mag transfer."Sagot ni Drake.
Tumigil muna sila sa kwentuhan at ilang segundo muna bago ulit sila nagsalita.
"Pano mo pala nalaman na pinsan ko sya?"tanong ni Drake.
"He looks a bit like you and his surname. He is also a Valdemore so..."nagkibit balikat sya saka sumubo ng kanin.
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...