HATINGGABI NA pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Sara. Suot ang simpleng t-shirt at pajama ay lumabas sya ng silid. Kagabi man ay nakatulog kaagad sya kaya hindi nya masasabing namamahay sya. Isa pa ay hindi sya maarte sa bahay na tinutuluyan nya.
Lumabas sya at dumiretso sa kusina. Tahimik syang nagtimpla ng kape nang hindi na nag-abala pang buksan ang ilaw. Wala naman na sigurong babangon sa ganitong oras. Pasado alas dose na ng hatinggabi.
Sara sat on the stool and sipped on her coffee. Mahina nyang ikinakatok sa counter ang daliri habang iniisip ang kanyang assignment. Kailangan nya ng magandang plano upang makakalap ng impormasyon. Ayaw nyang magtagal sa bahay na ito lalo na't alam nyang masama ang loob ng kasintahan nya sa kanya.
Humigop syang muli ng kape at doon naman kumalat ang liwanag sa buong kusina. Mabilis syang lumingon sa bukana ng kusina kung saan naroon ang switch ng ilaw.
"What are you doing?" nangibabaw ang malamig at baritonong boses sa kalaliman ng tahimik at malamig na temperatura.
Awtomatik na napatayo si Sara nang matunghayan ang nakakunot noong amo. Si Bongbong. May hawak itong tasa ng kape sa kaliwang kamay at laptop sa kanan.
Tumikhim si Sara nang maglakad palapit ang lalaki. Naupo ito sa stool na kaharap nya. Yumuko sya at akmang aalis na nang magsalita itong muli. "Where are you going?"
Tiningnan nya ito. Hindi nya alam kung bakit naiintimidate sya sa titig ng lalaki. Malalim ang mga mata nitong kulay kape na tila ba tumatagos hanggang sa kaluluwa nya.
Umiwas sya ng tingin. "S-Sa salas na po muna ako para makapagtrabaho kayo."
Halata naman kasi na magtatrabaho pa ito dahil may dala itong laptop.
"Stay. I'm not shooing you." malamig nitong sagot saka tumayo at tumalikod sa kanya.
Naupo naman ulit si Sara. Gusto nyang umalis pero baka ito na ang pagkakataon nya para makakalap sya ng impormasyon tungkol dito. Iyon lang naman ang kailangan nya at kapag nakakuha na sya ng sapat, bahala na ang agency dito.
Pinagmasdan nya ang lalaki na gumagawa ng kape. Hindi maipagkakaila ang kakisigan na taglay nito. Malapad ang balikat at bakat na bakat sa puting t-shirt ang biceps nito. Bumagay din ang gupit nito at ang hairstyle. Likod palang gwapo na kaya naman nang humarap ito ay halos umawang ang labi ni Sara. This man is really gorgeous.
Naupo itong muli sa harapan nya saka binuksan ang laptop nito. Nagsuot ito ng anti-rad glass na nakasabit pala sa leeg ng suot nitong t-shirt. Hindi nya manlang napansin dahil abala sya sa pag-eeksamin sa gwapo nitong mukha.
"You made a coffee without turning the lights on." untag nito saka dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. "Are you really a maid or you're just one of those girls who wants to get close with my cousin?"
Umawang muli ang labi ng dalaga. Sa pagkakataong ito ay hindi na sa pagkamangha kundi sa kaba. Mayroon na ba itong nalalaman?
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.