MALAYONG-MALAYO si Sara kay Bongbong. Literal na malayo dahil nasa magkabilang dulo sila ng eroplano. Sa laki ba naman ng private plane ng mga Marcos, syempre malawak rin ang loob nito. Ang totoo ay kanina pa masama ang tingin sa kaniya ng demonyito niyang amo. Kanina kasi ay pasimple niya itong pinatid habang paakyat sila sa eroplano at kamuntik na itong mahulog dahil talagang napatid ito at lumagapak ang dibdib sa sahig ng eroplano.
Nakangisi ang dalaga pero unti-unti itong nabura nang haplusin na naman ni Bongbong ang sarili nitong dibdib. Kanina na nito 'yon panaka-nakang ginagawa habang matalim ang tingin sa kaniya.
Napakagat ng labi ang dalaga. "Masakit ba talaga?"
Umigting ang panga ng binata. "Sa liit kong 'to, imposibleng hindi ako masaktan sa malakas na pagkakabagsak ko."
Napangiwi si Sara, "Ikaw naman ang nauna e."
Umirap ang binata. "Tsk! Brat."
Gusto pang sumagot ni Sara pero pinili niyang manahimik nalang dahil mas mabigat ang kasalanan niya.
Ito rin naman kasi ang may kasalanan. Kung hindi nito pinainit ang ulo niya edi sana ay hindi niya ito pinatid. Hindi sana ito pahimas-himas sa dibdib.
Bumuga ng hangin ang dalaga at napatitig sa binata. Nakatingin ito sa labas ng bintana ng eroplano habang kunot ang noo. Maya-maya pa ay napalingon ito sa kaniya. "I told you don't stare too much."
Nginiwian niya ang binata. "Hambog."
Ngumisi lamang ito saka tumayo at lumapit sa kaniya. Gusto niyang umiwas dahil baka bigla nanaman siya nitong halikan pero tinatamad siyang tumayo.
Nilingon siya ng binata matapos idekwatro ang mga binti. "You know what? You're already getting into my system."
Nagulat ang dalaga sa tinuran ng demonyitong amo. "Ano?"
"This is bad. Kapag nagpatuloy ang pagkabaliw ko sa'yo, hindi ka na makakalabas sa buhay ko." dugtong pa ng binata.
Suminghap si Sara at pinandilatan ang bugnuting amo. "Ano bang pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga!"
Ngumisi ang lalaki. "Kinikilabutan na ako, vixen. This is not me and you are to blame for what's happening to me."
"At bakit ako?"
"You came to my life and messed with my head. And you just worsened my desire that moment you kissed me."
Hindi na nakaimik si Sara. Agad siyang tumayo at lumipat ng pwesto. Lumipat siya sa kaninang inuupuan ng lalaki kaya ngayon ay magkalayo na naman sila.
Tumawa naman si Bongbong dahil sa ginawa niya. Mangha itong nakatingin sa kaniya habang kumikislap ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.