PASADO ALAS TRES ng umaga nang magising si Sara. Nakayakap siya sa isang matigas at mainit na bagay na talaga namang napakasarap sa pakiramdam. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at laking gulat niya nang mapagtanto kung ano-hindi mali-kung sino ang niyayakap niya.
Mabilis pa sa alas kwatro na bumangon siya at napangiwi nang maramdaman ang sakit sa kaniyang katawan at ulo. Agad agad na nanlaki ang kaniyang mga mata lalo na nang makita niya ang suot niya. Damit ni Bongbong ang suot niya at hubad ang lalaking katabi niya.
"MARCOS!" sigaw niya saka tinadyakan ang natutulog na binata na agad na lumagapak sa sahig.
Galit itong bumangon at nagmura. "Fuck! Anong problema mo?!" matalim ang tingin nito sa dalaga pero mas galit si Sara.
Dinuro niya ito. "Rapist ka!"
Tinitigan siya ng binata. Tingin na para bang may sinabi siya na kailanman ay hindi paniniwalaan ng kahit na sino. Kalmado itong nahiga muli at tinakpan ng kumot ang lantad na dibdib. "Matulog ka nalang ulit. Baka gawa lang ng alak 'yan."
"You raped me!" asik niya muli sa binata.
Tamad itong nagmulat ng mata. "I didn't."
"Sinungaling ka!"
Inis na naupo sa kama ang lalaki. "Sinabi nang hindi. Mukha ba akong papatol sa babaeng sinapian ng espiritu ng alak."
Ikinuyom ni Sara ang kaniyang kamao. "Wag ka nang magkaila! Kung hindi mo ako pinakialaman...e bakit...bakit..."
"What?"
Tiningnan niya muli ng matalim ang binata. "B-Bakit masakit ang...pwet ko?"
"Your what?"
Inatake ng labis na kahihiyan ang dalaga. Gusto niya biglang magtago sa ilalim ng kama nang humalakhak ng pagkalakas-lakas ang damuhong kasama niya.
"TUMAHIMIK KA!" sigaw niya sa binata.
Tumawa pa muli ito saka siya seryosong tiningnan. "Fucking you in the ass is a no for me, vixen. And I didn't touch you. You're actually the one who touched me, you took my shirt off."
Bumaba ang tingin niya sa kaniyang suot saka napakagat ng pang-ibabang labi. Hindi lingid sa kaalaman ng dalaga na nababaliw talaga siya kapag nalalasing siya ng sobra kaya posible ang pinagsasabi ng lalaki.
Inirapan niya ang lalaki. Wala na siyang maibintang sa binata kaya natameme na siya.
"Come on, let's sleep again." nahiga ng maayos ang binata saka pumikit.
Napakuyom naman ng kamao ang dalaga at walang nagawa kundi mahiga ulit. Gusto niyang awayin ang lalaki at nakahanap nanaman siya ng dahilan nang maramdaman ang sakit sa pisngi ng kaniyang pwet.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.