AWKWARD ang pakiramdam ni Sara kinabukasan. Hindi siya makatingin kay manang kahit wala naman siyang ginawang masama, pero kahit misunderstanding ang nangyari kagabi ay hindi niya magawang makatingin sa matanda dahil iba pa rin ang iniisip nito.
"Sara, kanina ka pa tulala riyan." puna sa kaniya ni Win. Nandito siya sa garahe at nakaupo habang pinapanuod ang binata na mag washing ng kotse.
Tapos na ang trabaho niya at ayaw niya munang tumambay sa loob, kaya si Win ang inaabala niya. Nasa loob pa kasi ng mansion ang tatlong Marcos. Hindi pumasok sa opisina si Bongbong, samantalang naglalaro naman ng PS5 sina Risa at Martin. Si Sandro naman ay nagbibihis pa dahil papunta raw ito sa clinic.
"May iniisip lang ako."
Tumango lang ang binata saka nagpatuloy sa ginagawa. Pumangalumbaba si Sara at bumuntong-hininga. Nakita 'yon ni Win na natatawang sinabuyan siya ng tubig sa mukha. Gulat na napatayo ang dalaga.
"Win!"
Ngumisi ang binata. "Mukha ka kasing problemado. Ano bang meron? Pera ba? Diba nagsweldo ka na nung kinse?"
Sumimangot ang dalaga. "Pag problemado, dapat pera agad?"
"E ano ba kasi?" natatawang tanong ng binata.
"Wala. Nevermind."
"Babasain kita ulit kapag hindi mo sinabi." banta ng binata.
Tiningnan ni Sara ng masama ang binata. "Subukan mo!"
Tumawa ang binata at umaktong babasahin siya kaya mabilis siyang napatakbo pero bumangga siya sa isang matigas na katawan.
"Ouch!" sapo ang nasaktang noo na tiningnan ang nakabangga niya.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang si Bongbong ang kaniyang nabangga. May sigarilyong nakaipit sa mapulang mga labi nito, naniningkit ang mga mata habang bahagyang nakatagilid ang ulo, halatang iniwas ang sigarilyo na madikit sa kaniyang buhok.
Mabilis na umatras si Sara. Umayos naman ng tayo ang bugnuting Marcos na nakatitig sa kaniya ngayon ang mapupungay nitong mga mata. Inipit nito sa dalawang daliri ang sigarilyo para alisin sa sariling labi saka nagsalita.
"Careful, sweetheart, you almost burn your hair."
Suminghap ang dalaga. Batid niyang narinig ni Win ang itinawag sa kaniya ng binata kaya matalim niyang tiningnan ang kaniyang amo na inaabot nanaman ng kabaliwan. Ano bang problema nito at balak yatang iparinig sa lahat ang tawag nito sa kaniya?
Bahagyang nilingon ni Sara si Win. Palipat-lipat ang tingin nito sa kaniya at kay Bongbong.
Umismid ang dalaga at akmang aalis na nang pigilan siya ng binata. Hinawakan nito ang kaniyang braso saka siya tiningnan gamit ang seryosong mukha.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.