Chapter 25

731 76 138
                                    

THE intensified heat rushing through her veins added to the fuel in her body making it impossible for her to escape the burning sensation that's consuming her sanity. Darang na darang siya kaya naman nang tuluyan siyang maihiga ng binata sa sofa ay wala siyang naging pagtutol at nang sa wakas ay pakawalan ng binata ang kaniyang mga labi ay umawang ang kaniyang inabandonang labi habang mariing nakapikit ang kaniyang mga mata.


Matamang nakatitig naman sa dalaga si Bongbong. Dinig niya ang malalakas na tibok ng puso nilang dalawa at aaminin niya maging siya ay darang na darang na.


Parang gusto niyang pakialaman ang dalaga pero nagdadalawang isip siya. Siguradong magagalit ito sa kaniya at iisipin na sinasamantala niya ang kahinaan nito at isipin palang 'yon ay parang mababaliw na ang binata.


Hindi niya maintindihan kung bakit at paano nangyari pero isa lang ang sigurado niya. Gusto na niya si Sara.


Tumayo ng maayos ang binata saka nagsalita. "Bumangon ka na habang nakakapagpigil pa ako."


Mabilis na nagmulat ng mga mata si Sara. Naupo siya ng maayos at maang na tiningnan si Bongbong na nakatalikod sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na matapos nitong sindihan ang apoy sa katawan niya ay basta nalang siya nitong bubuhusan ng malamig na tubig.


Anak ng pating!


Marahas na tumayo si Sara at binangga ang balikat ng binata na nagulat sa ginawa niya. Matalim ang tingin niya sa binata.


"What?" kunot-noong tanong sa kaniya ni Bongbong.


Inirapan niya ang binata. "Bakla ka ba?" inis na singhal niya. Nakita niya kung paano natigilan ang binata. Tumitig ito sa kaniya habang may kung anong emosyon sa mga mata nito.


"Wala kang paninindigan!" asik niya pa sa binata saka niya ito tinalikuran. Nilapitan niya ang pagkain na dinala kanina ng staff saka siya nagsimulang kumain nang hindi inaalok ng damuho niyang amo.


Tuloy-tuloy lang siya sa pag kain hanggang sa bigla siyang nabulunan. Dali-dali siyang nagsalin ng wine sa baso saka 'yon nilaklak. Napailing siya saka bumuga ng hangin.


Kung bakit ba naman kasi nagkakaganito siya dahil sa pambibitin ng demonyitong Marcos.


Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang nagtoothbrush at naghilamos, Nang lumabas siya ng banyo ay napatingin siya kay Bongbong na nakahiga na sa kama habang may ginagawa sa laptop nito. May suot itong salamin at nakasandong itim lang kaya kitang-kita ang biceps nito at bakas ang magandang hubog ng katawan at matigas na dibdib.


Napaiwas siya ng tingin nang bigla itong lumingon sa kaniya. Mabilis niyang dinampot ang isang unan pero hinawakan 'yon ng lalaki, pinigilan siya.


Inis niya itong nilingon. "Ano ba? Sa sofa na nga lang ako matutulog, pinagdadamutan mo pa ng unan!"


Kumunot ang noo ng binata. "Sinong nagsabing sa sofa ka matutulog?"


The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon