SARA IS openminded when it comes to same sex relationship but she couldn't find herself accepting the possibilties that Bongbong is a... gay. He's just too muscular to be one.
Marahas na hinablot ni Sira ang unan sa tabi niya at niyakap. Ilang oras na ba ang nakalipas mula nang pasukin niya ang kwarto ni Bongbong at natuklasan ang isang hindi pa kumpirmadong impormasyon? Hindi talaga siya makatulog.
Ilang sandali pa ay nakarinig ng mahihinang yabag si Sara. Mabilis siyang bumangon. Sinadya niyang hindi ilock ang main door dahil darating pa si Martin.
Lumabas ng silid si Sara at dumiretso siya sa sala. Naabutan niya si Martin na nakahilata sa sofa at mukhang pagod na pagod.
Nangunot ang kaniyang noo at nilapitan ito. Umawang ang kaniyang labi nang makitang may bahid ng dugo ang suot nitong puting t-shirt. Amoy alak rin ito at madungis ang hitsura. Mukhang inilubob sa putikan.
"Martin!" mabilis niya itong dinaluhan.
Nagmulat naman ito ng mata at ngumiti sa kaniya. "Babe, sumobra ako ng dalawang oras. Alas dose na, sorry."
Napailing ang dalaga. Anong nangyari dito? Hindi lang ba si Bongbong ang nanganganib ang buhay? Pati rin ba dito ay may nagtatangka?
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka may dugo?"
Tumawa ito at pinilit na bumangon kahit nahihirapan. "Si Kiko kasi, babe. Tanginang gagong 'yon. Hindi na binigay ang panalo ko, binugbog pa ako. Pasalamat sila medyo lasing ako."
Marahas na bumuga ng hangin ang dalaga. Dapat yata ay hindi niya ito tinulungang tumakas. Napalunok si Sara. Agad siyang nakonsensiya sa nangyari dito.
Tumayo si Sara. "Halika, ihahatid kita sa kwarto mo."
Tumingala sa kaniya ang binata at ngumiti. "Kapag hinatid mo 'ko sa kwarto ko, kailangang punasan at bihisan mo na rin ako."
Umikot ang mga mata ni Sara at kinuha ang braso nito. "Oo na. Halika na. Lilinisin ko rin 'yang sugat sa labi mo."
Inakay ni Sara ang binata hanggang sa makarating sila sa kwarto nito. Pinahiga niya ito sa kama nito saka marahang tinapik ang pisngi upang gisingin dahil medyo nakakatulog na ito. "H'wag ka munang matutulog. Hindi pa kita nabibihisan."
Ngumiti ito at tumango. Napailing naman si Sara saka lumapit sa cabinet nito at kumuha ng puting bimpo. Pumasok siya sa banyo saka binasa ang bimpo at binalikan ang binata. Sinimulan niya itong punasan, inunan niya ang mukha nito.
Napapailing ang dalaga dahil namamaga ang pisngi nito at putok ang labi. Bakit ba kasi ito naglasing, hayan at nabugbog tuloy.
"Babe, wag mo 'kong titigan, baka mainlove ka sakin." maya-maya'y pang-iinis sa kaniya ng binata.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.