Chapter 17

721 78 88
                                    

HINDI ALAM ni Sara ang dapat niyang maging reaksyon habang naghuhugas ng plato. Kani-kanina lang kasi nagsink-in sa kaniya ang kasunduan nila ni Bongbong at narealized niya na talaga ngang lugi siya sa mga kondisyon nito.


Napailing si Sara habang pinupunasan ang dalawang kutsara't tinidor na hinugasan niya. Hindi pa kasi bumabalik si Sandro kaya silang dalawa lamang ng bugnutin niyang amo ang naghapunan.


Habang nagtataob ng mga hinugasan ay naramdaman ni Sara ang mabigat na titig mula sa likuran niya. Agad siyang lumingon at dumapo ang kaniyang paningin kay Bongbong na nakatitig sa kaniya habang nakasandal sa wall.


Napalunok si Sara. Anong ginagawa ng bugnutin?


"I already lost interest in women but when I saw how fiesty you are, you are starting to get into my likings." maya-maya'y sabi ni Bongbong na nakapukaw sa atensyon niya.


Sinasabi na ba nito ang tungkol sa mga sikreto nito? Teka, chance na yata niya.


Mabilis niyang pinunasan ang mga kamay saka humarap sa binata. "Bakit naman?"


Mahinang tumawa ang binata. Bakas ang pagkamangha sa mukha nito na ikinakunot ng noo ng dalaga.


Anong nakakatawa? Wala naman sigurong sabon ang mukha niya diba? "Wala kang makukuha sa'kin ngayon, babae, Nagkasundo na tayo."


Umismid si Sara sa sagot ng binata. Naglakad siya palabas ng kusina at nilayasan ang binata doon. Dumiretso siya sa kwarto ni Sandro na ginagamit niya. Agad siyang kumuha ng damit na pamalit saka pumasok sa banyo at naghubad ng mga damit. Nang itapat niya sa dutsa ang kaniyang katawan ay agad siyang nakaramdam ng ginhawa.


Matagal ang ginawa niyang pag-ligo at nang lumabas siya ng banyo ay nakabihis na siya ng pantulog at tinutuyo nalang ng tuwalya ang basang buhok.


Nang maisara niya ang pinto ng banyo ay siya namang pagdapo ng paningin niya sa kama kung saan naroon at prenteng nakaupo si Bongbong at nakatingin sa kaniya.


Natigilan si Sara lalo na nang lakbayin na naman ng kaniyang isipan ang parte ng kaniyang utak kung saan nakasuksok ang kasulasulasok na panaginip niya.


Suminghap ang dalaga. "Bakit ka nandito?"


Tumayo ang binata nang hindi inaalis ang paningin sa kaniya. "This is my property."


Napangiwi siya. Alam niya. Hindi naman niya inaangkin. E anong klaseng sagot ba ang isinagot ng damuho. Pambihira naman!


Naalarma siya nang maglakad palapit sa kaniya ang binata. Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy! Anong gagawin mo?" Saglit na tumigil at tila nag-isip ang binata. Nakaramdam ng inis si Sara.


Pinagtitripan yata siya ng demonyito.


"Ano sa tingin mo?" nang-aasar na tanong ni Bongbong sa dalaga.

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon