Hindi makatulog si Sara nang gabing 'yon. Napakaraming nangyari sa isang buong araw lang, at hi di siya mapakali knowing na maaaring may kinalaman si Win sa pagkahuli kay Bongbong lalo pa't naroon ito sa mansion ng mga Marcos.
Tumayo si Sara saka inalis ang takip ng whiteboard. Humalukipkip siya habang tinitingnan ang mga nakasulat dito. Dumagdag na pinaghihinalaan niya ang ninong ni Sandro at mas lumaki ang paghihinala niya kay Win.
Naputol ang pagtitig ni Sara sa whiteboard nang tumunog ang bagong cellphone niya na binili ni Bongbong. Kinuha niya ito at agad na tiningnan kung sino ang tumatawag. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi nang mabasa ang pangalan sa screen.
Nag dalawang isip siya kung sasagutin ang tawag pero sa bandang huli ay pinindot niya ang green na button.
"Hello?"
"Sara..."
Lumunok si Sara. "S-sandro."
"Gusto ko lang malaman kung bakit nasa presinto ka kanina."
Hindi alam ni Sara kung dapat niya bang sabihin sa binata ang ginawa niya gayong maaaring hindi siya nito paniwalaab dahil halata namang galit ito sakaniya. "Uhm..."
"Sabi ni Dad, wala ka raw kasalanan. Hindi ko alam kung maniniwala ako gayong nalaman ko na agent ka at nag spy ka sa amin."
Bumuntong hininga si Sara. Hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan ang lalaki. Malaki rin ang hinala niya rito dahil nasa mansion ito noong gabing bago inaresto si Bongbong.
"Nag-iimbestiga ako. Ilalabas ko kung sino ang totoong killer." sagot ni Sara.
"Kung naniniwala ka palang wala siyang kasalanan, bakit mo siya ipinahuli?"
Yumuko si Sara. Gusto niyang sabihin ang totoo pero nag dadalawang isip siya kung magiging totoo siya sa binata. Saka nalang siguro, kapag may sapat na siyang impormasyon.
"Bakit ka tumawag?"
"Ah, that. Gusto kong humingi ng tulong sayo, Sara. Tulungan mo kami. Sigurado akong alam mo na ang lahat kaya nasabi mong walang kasalanan si Dad."
"Magtitiwala ka sakin?"
"Basta maipapangako mo na hindi tayo susuko hangga't hindi nalilinis ang pangalan ni Daddy."
Tumango si Sara, kahit hindi naman siya nito nakikita. "Sige."
Nang matapos ang pag uusap nila ay tiningnan niya ang pangalan ni Samdro sa whiteboard. Hindi ibig sabihin na makikipag tulungan ito sakaniya ay abswelto na ito. Maaaring nililinlang lamang siya ng binata, maaari rin namang hindi.
Isinuot ni Sara ang kaniyang helmet saka nagmaneho. Dumiretso siya sa bahay nila ni Jill saka agad na naligo at nahiga.
Bumuntong hininga siya at tumitig sa kisame. Unti-unti namang binaha ng mga nangyari kahapon at noong nakaraang araw ang kaniyang isipan. Kung paano siya pinasaya ni Bongbong at kung gaano ito kaalaga.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at kasabay non ang pag-sulpot ng nakangiting mukha ni Mans. Umanga ang mga labi ni Sara, malapit na nga palang umuwi si Mans at nasisiguro niyang hindi niya ito mahaharap ng maayos. Hindi niya masasabi dito ang tunay niyang nararamdaman dahil napakahirap nitong saktan.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.