Pagkatapos ng awkward na tanghalian nina Sara at Bongbong ay nag presinta ang dalaga na maghugas ng pinggan. Si Bongbong kasi ang nagluto kaya dapat lang na siya ang maghugas ng mga plato.
"Matindi na ba ang galit mo sakin?" biglang tanong ni Bongbong kay Sara habang naghuhugas ito ng pinggan.
Natigilan si Sara sa tanong ni Bongbong. Kinagat niya ang pang ibabang labi. Siguradong tungkol 'yon sa nangyari kanina. Ayaw niyang sagutin ang tanong ng lalaki dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan nilang dalawa.
"If you want, I'll drive you home now. Ibibigay ko nalang lahat ng kailangan mo sa byernes." Dugtong pa nito.
Dahan-dahan napatingin si Sara kay Bongbong. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sakaniya.
Lumunok si Sara, sumandal siya sa sink paharap kay Bongbong na nakasandal din sa island counter habang nakahalukipkip.
Bumuntong hininga si Sara. "Tumutupad ako sa usapan."
Tumango-tango ang binata. "I know. It's just that, you don't seem comfortable with me. You even cried."
Tinitigan ni Sara ang lalaki. "Nafru-frustrate lang ako kasi..."
Umayos ng tayo si Bongbong. Bakas sa mukha nito ang kagustuhan na marinig ang sagot niya.
"Kasi what?" tila naiinip na tanong ng lalaki.
Napatitig ang dalaga sa mga mata ni Bongbong. Nag dadalawang isip pa siya kung sasabihin niya ang totoo pero sa huli ay pinili niyang maging totoo.
"Kasi iba na ang epekto mo sakin."
Tumango-tango si Bongbong at nasilip ng dalaga ang pigil na ngiting gumuguhit sa mga labi nito kaya awtomatikonh nangunot ang noo ng dalaga.
"Bakit ka natatawa? Tuwang-tuwa ka pa ha!"
Sa inis ay hinampas ni Sara ang dibdib ng lalaki. "Ano ba! Bakit ka ba tumatawa?"
"Kasi, ibig sabihin ng nararamdaman mo..." pabitin nitong sabi kaya nangunot ang noo ng dalaga.
"Ano?!"
"Ibig sabihin malakas ang karisma ko." dugtong ng binata.
Umawang ang mga labi ni Sara at hindi niya mapigilang mapangiwi. May pagka conceited talaga 'tong bugnutin niyang amo.
"Finish that thing and follow me in the living area. Let's play cards."
Nang makaalis ang binata sa kusina ay hindi na namalayan ni Sara na nakangiti na rin siya. Kanina lamang ay frustrated siya at naiyak pa pero ngayon ay mabilis na nagbago ang mood niya. Gawa-gawa talaga ito ni Bongbong. Isa yatang alien ang bugnutin niyang amo.
Mabilis na tinapos ni Sara ang paghuhugas ng mga plato. Nang matapos siya ay pumunta siya kaagad sa sala at naroon si Bongbong. Umiinom ng alak at naninigarilyo habang pinaglalaruan sa daliri nito ang isang card.
Napakagat ng labi ang dalaga. Bahagyang naniningkit ang mga mata ng binata at ibang iba ang dating nito sakaniya. Para siyang kinikiliti na ewan.
Ilang saglit pa ay mukhang naramdaman ng lalaki ang presensiya niya. Lumingon ito at nangunot ang noo.
"Anong ginagawa mo riyan? Lumapit ka dito."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.