NANININGKIT ang mga mata ni Sara habang tinitingnan si Risa na nakatingin rin sa kaniya habang nakataas ang kilay. Prente itong nakaupo sa sofa habang nakadekwatro. Kanina pa ganiyan ang babae at hindi malaman ni Sara kung paano ivavaccuum ang sahig sa paanan nito gayong ayaw nitong umalis. Gusto tuloy niyang tadyakan ang babae.
Ilang saglit pa ay bumuga ng hangin ang babae.
"Sara, can you get me a glass of water, please?"
Hindi kaagad kumibo si Sara. Hindi kasi niya maunawaan kung bakit parang bumait ata ang babae.
"Please." ulit nito na bahagyang napanguso.
Kamuntik nang mapangiwi si Sara kaya mabilis siyang tumalikod at pumunta sa kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig sa ref saka dinalhan ng isang baso ang babae.
Akmang ilalapag na niya ang isang baso ng tubig sa coffee table nang magsalita ang babae. "Uhm... I don't like cold water. Medyo masakit kasi ang throat ko."
Bumuga ng hangin ang dalaga. Napilitan siyang bumalik sa kusina at pigil ang galit na pinaltan ang tubig sa baso. Nang bumalik siya sa sala ay tiningnan siya ng babae at eksaherada itong suminghap. At tulad kanina, bago niya pa maibaba ang baso sa coffee table ay nagsalita nanaman ang babae.
"Sara, orange juice nalang pala."
Humugot ng malalim na hininga si Sara. Nagtiim-bagang siya saka mabigat ang loob na tumango. Tinalikuran niya ulit ang babae at bago siya makapasok sa kusina ay nilingon niya ulit ito, nakatingin ito sa kaniya at inosenteng nakangiti.
Pabagsak na inilapag ni Sara ang baso sa sink saka kinuyumos ang kaniyang mukha at nagpapadyak sa galit.
Mariing pinagdikit ng dalaga ang kaniyang mga labi saka nagtimpla ng juice. Akmang dadamputin na niya ang baso nang may maisip siyang kalokohan. Naningkit ang mga mata ng dalaga saka sumilip sa bungad ng kusina, nang wala siyang nakitang tao ay isinawsaw niya ang daliri niya sa juice saka tinikman at tumango-tango. Mahina pa siyang natawa sa sarili niyang kalokohan saka lumabas ng kusina at binalikan ang garapal na prinsesa sa sala.
Wala kasi si manang Leni at Aika kaya sila lang dalawa sa sala. Si Martin naman ay umalis dahil may aasikasuhin daw habang pumasok naman sa opisina si Bongbong at Sandro.
Marahang inilapag ni Sara ang isang basong juice sa harapan ng dalaga. Ngumiti ito ng napakalaki at dinampot ang isang basong juice. Akmang iinom na ito nang bumukas ang pintuan at pumasok si Bongbong na kunot ang noo.
"Bong!"
Pangumod-ngumod sa gilid si Sara habang sinasalubong ng babae ang bugnuting si Bongbong.
"Ang aga mo." puna ng babae.
"We have to talk, Risa." tiim-bagang na sabi ng binata.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.