Chapter 22

637 68 70
                                    

BUONG LAKAS na itinulak ni Sara si Bongbong saka siya tumalon pababa mula sa pagkakaupo niya sa counter. Sinalubong niya ang mga mata ng demonyitong amo na inaalipin nanaman siya sa mapagparusa at nakapapaso nitong mga halik.


May mas nakakaloko pa ba matapos kang halikan at sabihan na 'cheater'?


"Feisty." manghang sambit ni Bongbong habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ng dalaga.


She looked flushed. Alam ni Sara 'yon at siguradong bakas sa mukha niya na nadarang siya sa apoy na inihahatid ng mga haplos at halik ni Bongbong sakaniya. Ang siste, hindi niya alam kung paano pahuhupain ang init na nararamdaman dahil hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin sa namamaga niya na yatang mga labi ang mapusok na halik ng binata.


"You planned this, woman. Akala mo ba malalasing ako at makukuha mo ng gano'n gano'n lang ang gusto mo? We had a deal, Sara, you are just too eager to bring me down."


Marahas na bumuga ng hangin ang dalaga. Bakit ba inis na inis siya kapag iniisip nito na gusto niya itong pabagsakin. Hindi naman kasi 'yon ang intensyon niya.


"Okay fine. I am here to bring you down, so what? Sabi mo nga, we had a deal, pumayag ka na pabagsakin kita."


Tumaas ang sulok ng labi ng binata saka unti-unting lumapit sa dalaga. Tinapangan ni Sara ang kaniyang kalooban kahit pa nga nanlalambot na siya hindi pa man siya hinahawakan ng binata.


Napakislot ang dalaga nang paglandasin ng binata ang mga daliri nito sa kaniyang pisngi. "You will never be the reason behind my downfall. Not a woman."


Napapikit si Sara nang dumako sa pang-ibaba niyang labi ang mga daliri ng binata. Binundol ng kaba ang kaniyang dibdib at hindi niya alam kung bakit agad na nagkabuhol-buhol ang kaniyang hininga.


Dahan-dahang inilapit ni Bongbong ang bibig niya sa tainga ng dalaga. "Don't let your guard down, woman, I might conquer you and one day, you might find yourself beneath me, screaming my name."


Matapos sabihin 'yon ng binata ay iniwanan siya nito sa kusina. Panandaliang natulala ang dalaga kasabay ng matinding paglunok dahil sa kakaibang sensasyon na naramdaman niya.


Ilang saglit pa siyang napailing-iling hanggang sa maalala niya na siya si Sara Duterte.


Marahas siyang bumuga ng hangin at sarkastikong tumawa. Hinahamon yata siya ng demonyitong bugnutin na 'yon. Ngumisi ang dalaga. Ibigay ang hilig nang walang ligalig.- bulong ng kaniyang isipan.


"Tingnan natin kung sino ang unang mapapaso ng apoy na sinimulan mo." pabulong na sabi ng dalaga saka lumabas ng kusina.


Hinanap ng mga mata niya si Bongbong ngunit wala ito sa sala, mukhang nasa kwarto na.


Walang lingon-lingon na lumabas ang dalaga sa penthouse saka naglakad papunta sa elevator. Sumandal siya at napatitig siya sa pares na mga mata na nakatitig sa kaniya. Nasa labas ng elevator si Bongbong, nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon