Nakatitig lamang si Sara sa kaniyang cellphone habang paulit-uplit na rumerehistro ang pangalan at numero ni Mans. Kanina pa ito tumatawag at wala siyang lakas ng loob na sagutin ni isa sa mga tawag nito. Bukod kasi sa guilty siya ay nahihiya siya sa nobyo.
Ilang saglit pa ay namatay nanaman ang tawag pero ang numero namang pumalit sa screen at ang pangalan ni Kiko. Agad na kinuha ni Sara ang telepono at sinagot.
"Hello, detective Kiko? May bagong update na ba sa kaso?"
Walang sumagot sa kabilang linya kaya nangunot ang noo ni Sara saka sinulyapan muna ang screen bago muling nag salita. "Detective Kiko?"
"I miss you..."
Umawang ang labi ni Sara. Kasabay ang pag bilis ng tibok ng puso niya ang pag lunok niya ng matindi. B-bong...
Kinagat ni Sara ang pang-ibabang labi at nanatiling tahimik. Ayaw muna niyang mag salita dahil masama pa ang loob niya dito dahil sa mga sinabi nito sakaniya.
"I know you are mad, I'm sorry."
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Sara. Ano pa ba? Hindi naman niya ito kayang tiisin.
"Kumusta ka?"
"I'm not okay. I'm always thinking of you, the company, my son and my cousin.. Everything."
"Nagtutulungan kami nina Martin at Sandro. Ilalabas ka namin diyan."
Mahinang tumawa si Bongbong sa kabilang linya.
"Hindi niyo naman ako itatakas diba?"
Agad na nalukot ang mukha ni Sara. "Kapag narinig ka ni Detective Kiko."
"Well, he's actually listening."
Napasinghap sa gulat si Sara. "Ano!?"
"He doesn't trust me, sweetheart."
Napasapo ng noo si Sara. Kung nakikinig ngayon si Kiko ay siguradong kunot na kunot ang noo nito ngayon dahil sa tawag sakaniya ni Bongbong.
"Sige na, kailangan ko pang mag trabaho."
Napabuntong hininga na paalam niya rito. Bakit gusto niya pa itong makausap, kailangan niyang umalis dahil kikitain niya ngayon sina Sandro at Martin. Kailangan nilang kausapin si Kris, ang witness na biglang lumantad.
"Okay, always be careful."
Napangiti sk Sara. "I will."
Nang tapusin niya ang tawag ay agad agad siyang tumayo. Kinuha niya ang itim niyang baseball cap saka lumabas ng bahay bitbit ang cellphone niya. Napag-usapan nila ni Sandro na susunduin nalang siya ng mga ito sa tapat ng apartment nila ni Jill.
Ilang saglit pa ay may tumigil ngang kotse sa harapan niya. Ibinaba ni Sandro na siyang nasa driver seat ang bintana saka ngumiti sakaniya.
"Sakay na, Sara."
Agad na sumakay si Sara sa hulihan. Tinanguan niya lamang si Martin na nilingon siya. Nang patakbuhin naman ni Sandro ang sasakyan ay agad siyang nag tanong.
"Alam niyo ba kung saan natin siya makikita?"
"Part timer siya sa isang convenience store malapit dito."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.