Chapter 34

597 82 55
                                    

Mabigat ang pag hinga ni Sara habang nakatulala sa cellphone niya. Kakatapos niya lang makipag-usap kay Mans at masaya nitong ibinalita sakaniya na uuwi na ito sa susunod na linggo.

Napabuntong hininga ang dalaga. Dapat ay masaya siya pero bakit hindi siya nakakaramdam ng pananabik? Bakit parang hindi na siya kinikilig? Bakit nawawala ang malakas na pintig ng kaniyang puso kapag tumatawag at nakakausap niya si Mans?

Sobrang daming tanong sa isipan niya pero hindi niya alam kung paano iyon sasagutin.

Hindi niya na maintindihan ang sarili niya.

"Sara."

Napatingin siya sa pintuan nang kumatok si Aika. Agad siyang tumayo at lumapit sa pinto, nang buksan niya ito ay agad na bumungad sakaniya ang nag-aalalang mukha ni Aika.

"Okay ka lang?"

Ngumiti siya at tumango, "Oo naman."


"Kanina pumunta ako dito pero narinig kitang may kausap ka kaya bumalik nalang ako."


Binuksan niya ng maayos ang pintuan saka pinapasok ang dalaga. Nang makapasok ito ay agad silang naupo sa kama.

"Ano ba talagang meron sa inyo ni Sir Bongbong, Sara? Kayo na ba?"


Agad na nangunot ang noo ni Sara. "Ano bang iniisip mo? Hindi kami at hindi magiging kami, Aika."


"Pero interesado sayo si sir Bongbong."


Doon napabuga ng hangin ang dalaga. "Ewan ko sakaniya Aika, wala namang kagusto-gusto sa akin."

"Maganda ka, Sara."

"Sapat na ba ang ganda?"

Natigilan si Aika saka napatango. "Sabagay, pero ano nang gagawin mo?"

"Hindi ko alam, bahala na."


***

Kinabukasan ay nabulabog si Sara ng katok sa pinto. Pakusot-kusot ng mga mata siyang bumangon at binuksan ang pinto. Ganon na lamang ang gulat niya nang mabungaran si Bongbong na bihis na bihis na nakatingin sakaniya.

Nanlaki ang kaniyang antok na mga mata. "Anong ginagawa mo dito?"


"Mag bihis ka, may pupuntahan tayo."


"Ano?!"

Bahagyang naningkit ang mga mata ng binata. "We had a deal, sweetheart."


Napabuntong hininga na lamang ang dalaga. Oo nga pala, may usapan silang dalawa. At wala siyang choice kung hindi ay sundin ang lahat ng sinasabi ng damuho niyang amo.


"Saan naman tayo pupunta ngayon?" Bagot na bagot niyang tanong.


"We'll spend the remaining three days in a vacation house. My vacation house."


Pinakatitigan niya ang amo, wala naman siyang magagawa kundi ang pumayag sa kung ano mang maisipan ng demonyitong bugnutin. Sana lang talaga ay hindi dumating sa puntong tuluyan siyang mapasailalim sa binata at mahulog dito.


"Mag hintay ka dito at mag iimpake ako." Sagot niya sa kaniyang amo imbes na kumontra pa.

Nang matapos mag-impake ay lumabas silang dalawa ng mansion. Si Manang Leni palang ang gising at inihatid sila ng matanda hanggang sa labas ng mansion. Sa bus din sila sumakay na hindi alam ni Sara kung bakit. Kung tinatamad naman kasi itong mag drive ay pwede namang ipagmaneho sila ni Win o kaya ng isa pang driver na nakalimutan ni Sara ang pangalan.

Habang sakay ng bus ay nakatingin lang ang dalaga sa bugnuting amo na nasa tabi ng bintana. Kunot ang noo nito habang nakahalukipkip ang mga braso.


"Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit kailangan mag bus tayo?"


"Masyadong malayo kung maglalakad tayo." pabalang na sagot ni Bongbong dahilan para mapikon si Sara.



Matalim niya itong tiningnan saka mariing ipinikit ang kaniyang mga mata. Mas mabuti pang matulog nalang kaysa kausapin ang bugnuting lalaki dahil wala naman siyang mapapala dito. Napaka walang kwenta kausap, kung makasagot ng pabalang ay para bang napaka ignorante niya sa mga bagay-bagay.


Malakas na tapik sa noo ang nagpagising sa dalaga. Inis niyang tiningnan si Bongbong na sinenyasan siya saka nag salita.


"Bababa na tayo, babae."



Umismid ang dalaga. "Sana manlang ay ginising mo ako ng maayos 'di ba? Kailangan manakit palagi?"



Inirapan niya ang lalaki saka siya tunayo, akmang kukunin niya ang bag niya nang unahan siya ni Bongbong.


"Baba na."



Galit na bumaba si Sara at napanganga siya nang makitang halos bundok ay kagubatan ang makikita sa pinuntahan nila. Mainit na rin at sa tantiya niya ay alas dyes na rin ng umaga.


Marahas niyang nilingon si Bongbong na tinaasan siya ng kilay.


"What?"


"Nasaang parte na ba tayo ng Pilipinas, Marcos? Anong ginagawa natin sa kabundukan?" eksaheradang tanong ni Sara sa lalaki na biglang humalakhak ng pagkalakas-lakas.





"What the fuck!" mura pa nito habang umiiling-iling.



"Ano ba?" Asik ni Sara sa lalaki na mas lalo pa siyang pinag tawanan.



Asar na nananahimik si Sara. Hinintay niyang mabulunan sa sariling laway at walang buhay na bumagsak ang gago pero hindi ito nangyari.

Nang kumalma na ito ay humarap ito sa kabilang direksyon at inginuso ang direksyong 'yon.

"Iyon ang pupuntahan natin, hindi yang bundok."



Dahan-dahan lumingon doon ang dalaga. Napakurap-kurap siya habang namamanghang pinagmamasdab ang napakagandang glass house sa mataas na bahagi ng lupa. May mahabang hagdanan papunta sa malaking bahay at talaga namang nakakamangha ang disenyo ng bahay at ng landscape nito.


"You like my house?" Tanong ng lalaki sakaniya.



Marahan lamang na tumango ang dalaga. Maya-maya pa ay inaya siya ng binata na pumasok na sa bahay. Ito na rin mismo ang nagbitbit ng bag niya at nauna na rin itong maglakad habang sumusunod lamang siya dito.


Sa unang hakbang sa hagdanan ay nag e-enjoy pa ang dalaga pero wala pang tatlong minuto ang inaakyat niya ay nabagot na siya at nakaramdam ng pagkairita.



"Hindi mo naman ako nainform na aakyat pa pala tayo. Sana nag warm-up muna ako kanina diba?"



Kunot noong nilingon siya ng binata. Bakas sa mukha nito ang inis at parang gustong bawiin ni Sara ang sinabi niya dahil baka bigla siya nitong sipain pababa at magpagulong-gulong siya hanggang sa gitna ng kalsada at masagasaan pa.



"Ang arte mo! Pwede bang sumunod ka nalang at manahimik? Naiingayan na ako sayo, pag ako nainis, hahalayin kita sa mismong kinatatayuan mo."



Unti-unting nag-init ang mukha ni Sara at kasabay non ay nag-init na rin ang kaniyang ulo. Talagang bastos at walang pakundangan ang bibig ng bugnuting Marcos at ang nakakainis pa ay sakaniya lamang bastos ang bibig nito. Sa iba naman ay halos tahimik ito at parang babaeng conservative na hindi pa nahahalikan manlang.



"Napaka bastos mo talaga, Marcos!" asik ni Sara sa amo.



Ngumisi ito sakaniya. "Pero hindi mo pwedeng itanggi na nasisiyahan ka sa mga sinasabi ko."




Nanlaki ang mga mata ni Sara. Naisip niyang tadyakan hanggang sa baba ang lalaki kaya dali-dali siyang umakyat at hinabol ito pero nagbago kaagad ang kaniyang isip. Imbes na patulan pa ay nilagpasan niya ito at padabog na umakyat.

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon