Chapter 35

499 81 101
                                    

Halos kilabutan si Sara sa ganda ng bahay, kitang-kita sa loob nito ang ganda ng kagubatan at siyudad. Nasa mataas na parte ang bahay ni Bongbong kaya naman ay napapanganga siya sa bawat parte ng bahay na nadadaanan ng kanyang paningin.


Pag dating sa kitchen ay may sliding door at dali-dali itong binuksan ni Sara saka lumapit sa pabilog na swimming pool na talaga namang napakagandang tingnan.

"You like the house?"


Napalingon siya sa bugnutin niyang amo na nakapamulsa siyang pinapanuod. Nakasandal ang braso at balikat nito sa gilid ng poste sa may kitchen habang pinagmamasdan siya.


Ibinalik ni Sara ang paningin niya sa pool. "Ganito ang gusto kong bahay."

"Pwede ka namang tumira dito." napalingon siya sa binata dahil sa sinabi nito. "Asawahin mo 'ko." dugtong pa nito.




Pinangunutan niya ito ng noo. "Maluwag na yata ang turnilyo mo sa ulo."



Tumawa ang binata. "Magluluto ako, anong gusto mong ulam?"



Gustong humalakhak ni Sara. Hindi niya maimagine ang bugnuting mukha ng lalaki na nakaharap sa kalan at nagluluto, pero sabagay... Minsan na rin itong nagluto sa harapan niya.



"Ah!" biglang natawa ang binata nang tila may naalala. "Hindi nga pala tayo nakapamili."




Umawang ang labi ng dalawa at napatunganga. "Ano?!"

Anak ng...

"Eh anong kakainin natin dito? Mga puno at lupa?"



"Pwede naman, simulan mo na." pabalang na sagot ni Bongbong saka dinukot ang sariling cellphone at may tinawagan.




Sarkastikong napatawa ang dalaga at namaywang. Nakakainis talaga ang bugnuting Marcos na 'to.


Matalim ang tingin niya sa amo habang may kausap ito sa telepono.


"Yes, dito sa vacation house."



"Yes, dito sa vacation house." panggagaya ni Sara sa sinabi ng binata at mukhang narinig 'yon ni Bongbong dahil tiningnan siya nito habang nakakunot ang noo.



Ngumisi lamang siya saka tumalikod. Inalis niya ang suot na sapatos saka inilublob ang kaniyang mga paa at binti sa pool. Mahina siyang bumungisngis nang sumayad sa malamig na tubig ng pool ang kaniyang balat.


Napaka presko sa lugar na 'to at na eengganyo siyang maligo.

Habang pinagmamasdan niya ang paligid ay bigla siyang napasigaw nang may biglang tumulak sakaniya sa pool. Halos malunok niya ang tubig at mabuti na lamang ay marunong siyang lumangoy dahil bukod sa hindi niya abot ang sahig ng pool ay nagulat pa siya sa naging pag bagsak niya.




"HAHAHAHAHAHA!" umalingawngaw ang malakas na halakhak ni Bongbong na ikinainis naman ng dalaga.



Galit niya itong tiningnan habang nakahawak sa gilid ng pool.


"TARANTADO KA TALAGA!" asik niya sa lalaki.


Tumawa lang ulit ito saka nag hubad ng damit at tumalon sa pool. Para makaganti ay agad niya itong dinambahan at inilubog sa tubig pero dahil ay malakas ito, nakaahon ito nang walang kahitap-hirap saka hinawakan ang magkabilang baywang niya.



Gulat siyang napatitig dito at napakapit sa balikat nito, lalo na nang bitawan siya nito at hinagod ng dalawang kamay ang basang buhok. May ngiting nakaguhit sa labi nito na hindi maintindihan ni Sara kung bakit naghahatid ito sakaniya ng kilig at kakaibang pakiramdam.



"What?" Tanong nito nang mapansin ang tingin sakaniya.



Agad na umiling si Sara at umiwas ng tingin. Inalis niya rin ang mga kamay niya sa balikat nito pero mabilis nitong hinuli ang mga kamay niya at ibinalik sa pwesto nito.



"Just hold onto me like that. I like your warm hands."



Napalunok ang dalaga saka bumitaw sa binata. Mabilis siyang lumangoy papunta sa gilid at agad na umahon. Wala namang naging imik ang binata, at nang lingunin niya ito ay busy na ulit itong lumangoy sa pool. Pabalik-balik lamang ito at hindi niya namamalayan na napatitig na siya dito.



Dahan-dahan napahawak si Sara sakaniyang dibdib, sa tapat ng kaniyang puso. Marahas siyang bumuga ng hangin nang maramdaman sakaniyang palad ang hindi pang-karaniwang bilis ng tibok ng kaniyang puso.



Ilang saglit pa ay tumigil sa pag langoy si Bongbong.  Tumingin ito sakaniya na tila hinuhukay pati ang kaniyang kaluluwa.


Napalunok siya ng lumangoy ito papunta sa gilid, at tila'y naging mabagal ang mga sumunod na naging galaw nito. Humawak ito sa gilid ng pool saka ginamit ang mga braso para iangat ang kaniyang sarili at umahon sa tubig. Hinagod pa ulit nito pabalik ang basa nitong buhok habang dahan-dahang lumapit sakaniya.


Hindi alam ni Sara kung anong gagawin niya. Napako siya sakaniyang kinatatayuan at tila nablangko ang kaniyang isipan. Napigil niya rin ang kaniyang paghinga nang tuluyan itong makalapit sakaniya.


Marahan nitong pinadaanan ng hintuturo ang mamasa-masang labi ng dalaga na bahagyang nakaawang.


Ang mga mata ng binata na bahagyang naningkit habang unti-unting inilalapit ang mukha sa dalaga. At nang sandaling naglapat ang kanilang mga labi ay napalunok ng matindi si Sara kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao.


Rinig na rinig ni Sara ang lakas ng tibok ng kaniyang puso, at ngayon parang gusto niyang maiyak dahil sa reyalisasyon niya. Tama nga si Jill, nahuhulog na siya sa bugnutin niyang amo. Nagkakagusto na siya kay Bongbong Marcos. Sa assignment niya at sobrang nakaka frustrate ito.



Ilang saglit pa ay dumampi ang daliri ng binata sakaniyang pisngi at kasabay non ay natigilan ito. Lumayo ito at tumitig sakaniya.


"Why are you crying?"



Napasinghap si Sara saka mabilis na kinapa ang sariling pisngi. Umiiyak nga siya. Bakit ganito? Bakit napaiyak siya sa frustration? Bakit napakahina niya pag dating kay Bongbong?


Ikinulong ni Bongbong ang kaniyang mukha sa palad nito. "Hey, are you okay? Tell me what's the matter, sweetheart."


Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya habang sinasalubong ang tingin ng binata.


"Sweetheart...." muling tawag sakaniya nito.



Ang endearment na 'yon. Mariin siyang pumikit, bakit tila napakasarap sa pandinig ng tawag sakaniya nito?



Lumunok siya at mabilis na pinahid ang mga luha saka tinalikuran ang binata. Bumalik siya sa sala at kinuha ang kaniyang bag. Umakyat siya sa itaas ng bahay at naghanap ng kwarto na sa palagay niya ay pwede niyang gamitin.



Dalawang kwarto lang ang nakita niya. At ang unang kwarto ang napili niya dahil master bedroom ang pangalawang nabuksan niya.



Dali-daling kumuha ng mga damit si Sara saka pumasok sa isa pang pinto sa loob ng kwarto. Bumungad sakaniya ang magandang banyo at hindi siya nagsasayang ng oras. Agad siyang naghubad at tumapat sa shower. Mariin niyang idiniin sa tiles ng banyo ang naniyang mga palad habang marahas na umiiling sa ilalim ng shower.


"Hindi pwede! Hindi pwede to." Bulong niya sakaniyang sarili habang marahas na umiiling.


Mariin niyang ipinagdikit ang mga labi at malalim na nag-isip. Kailangan niyang mag desisyon. Hindi pwedeng ganito nalang siya. Kailangan niyang timbangin ang nararamdaman para maiwasan niyang masaktan ang kaniyang sarili at kung sinuman sa dalawang lalaki ang laman ng kaniyang puso.

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon