MATAPOS MAGHUGAS ng mga plato ay bumalik sa sala si Sara at agad na humilata sa sofa. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa saka binuksan ito. Sunod-sunod na dumating ang mga messages na nagmula sa iisang sender. Kay Mans.
Kinagat ni Sara ang sariling labi. Siguradong magtatampo nanaman ang kasintahan niya.
"Sara."
Kamuntik nang masapol ng cellphone ang ilong ni Sara nang mabitawan niya ito. Bigla kasing sumilip mula sa likuran ng hinihigaan niyang sofa si Sandro.
Kakamot-kamot na bumangon at naupo ang dalaga saka tiningnan ang binata.
"Sir, bakit po?"
"Sumunod ka sa'kin. Doon ka nalang matulog sa kwarto ko, lilipat ako sa kwarto ni Daddy."
Talaga? Sobrang gentleman naman talaga ng mabait na Marcos na 'to pero tinanggihan niya ang binata. "Naku, sir, okay naman dito. Komportable naman po."
Umiling ang binata. "No, sumunod ka sakin Sara."
Nauna na itong umakyat sa hagdan at napasinghap si Sara nang makitang hawak nito ang bag niya. Kaya naman pala yumuko ito sa likuran ng sofa, kinuha pala nito ang bag niya na hindi niya alam kung paano napunta doon.
Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa amo. Mabait naman ito kaya hindi nalang niya susuwayin. Wag lang talaga siyang bubwisetin nanaman ng demonyitong Marcos na may maitim na budhi.
Nang makarating sa itaas ay binuksan ni Sandro ang isang pinto at nilingon siya. "Ito ang gamitin mong kwarto. Nariyan pa ang ibang damit ko pero kasya naman siguro sa closet ang mga dala mong damit. You can use everything in this room, including that pc."
Tumatango lamang si Sara habang nagsasalita si Sandro. Namangha siya sa bait ng Marcos na 'to. Malayong-malayo ang binata sa ama nitong sobrang damot at sobrang bugnutin na kahit ang kwarto ay may CCTV para lang masiguro nito na walang makikialam sa mga gamit nito sa kwarto.
Tiningnan ni Sara ang binata matapos pagmasdan ang kwarto. Nginitian niya ito. "Salamat, sir Sandro."
Ngumiti ito at tumango. "Anything, Sara. Pasensya na nga pala sa ugali ni Daddy, masyado kasing bugnutin ang isang 'yon."
Hindi napigilan ni Sara na matawa dahil tulad niya ay bugnutin rin ang tingin ni Sandro sa ama.
"Okay lang. Medyo nasasanay na rin ako sa ugaling nilang mag pinsan." nakangiting sagot ni Sara.
Sumandal sa hamba ng pintuan ang binata kaya ganoon rin ang ginawa ng dalaga. Magkaharap sila habang nakahalukipkip ang binata.
"Si Tito, makulit talaga ang isang 'yon pero madali namang mahuli ang ugali. Itong si Daddy lang ang sa palagay ko ay hindi mo makakasundo, masyado kasing mainitin ang ulo ng isang 'yon."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.