Kahit mahigpit na ipinagbilin ni Bongbong na huwag siyang makialam ay hindi nagpapigil si Sara. Palihim siyang nag iimbestiga sa kaso at sa tatlong araw na 'yon ay halos hindi na siya lumalabas sa kwarto niya. Abala siya sa paulit-uplit na pagbabasa ng report at paghahanap sa kung sino ang posibleng gumawa nito.
Marahas na bumuga ng hangin si Sara habang kinakagat-kagat ang dulo ng marker na hawak niga habang nakatingin sa whiteboard na nasa harapan niya. Nakasulat doon ang pangalan ni Bongbong at sa paligid ng pangalan nito ay ang mga tao sa mansion ng mga Marcos.
Masyadong nafufrustrate sa mga nangyayari si Sara kaya kahit mismong anak at pinsan ni Bongbong ay pinaghihinalaan niya.
"Sara?"
Napalingon si Sara sa pinto ng kumatok si Jill mula sa labas. Agad siyang lumapit at binuksan ang pinto.
"Jill."
Bumuntong hininga ang matalik niyang kaibigan nang makita nito ang ginagawa niya sa loob. "Hindi ka pa ba kakain?"
"Mamaya na, busog pa naman ako saka may kailangan akong puntahan ngayon."
Bumalik sa loob si Sara at iniwan niyang bukas ang pinto habang kumukuha siya ng coat at nagsuot ng sapatos. Kinuha niya rin ang susi ng kaniyang motor saka lumabas ng kwarto. Sinundan siya ng kaibigan niya.
"Gabi na Sara, bukas ka nalang lumabas."
Nilingon ni Sara ang kaibigan. "Jill, hindi ako mapapakali hangga't wala akong nagagawa para kay Bongbong, sa isang araw ay magsisimula na ang hearing sa kaso niya at ayokong tuluyan siyang makulong. Wala siyang kasalanan."
Sinapo ni Jill ang sariling ulo. "Pero Sara, delikado ang ginagawa mo. Kung totoong hindi si Bongbong ang pumatay kay Calvin, ibig sabihin ay pakalat-kalat lang ang killer."
"That's why I'm working hard, Jill. Pakalat-kalat ang killer at ilang beses na may nag tangka sa buhay ni Bongbong at ngayong nasa kulungan siya, mas maliit ang lugar na ginagalawan niya kaya mas delikado ang kalagayan niya doon ngayon."
"Damn, Sara. At least find someone who can help you, hindi 'yang kumikilos ka mag-isa."
Mariing umiling si Sara. "Wala akong pwedeng pagkatiwalaan ngayon, Jill."
"Kahit si Baste? How about Jinggoy and Kiko? O yung ibang mga kakilala mong detective?"
"Wala akong pagkakatiwalaan. Sige na, kailangan kong magtanong-tanobg tungkol sa mga taong malapit kay Bongbong."
Hindi pa man nakakasagot si Jill ay agad nang lumabas si Sara. Inilabas niya ang kaniyang motor at pinatakbo. Wala siyang suot na helmet, ni safety gears ay wala.
Maingat siyang nagmaneho at ligtas na nakarating sa tapat ng mansion ng mga Marcos. Tamang-tama na biglang lumabas si Manang Leni pero nang makita siya nito ay agad tumalikod ang matanda. Mabilis niya itong hinabol.
Akmang papasok na ito sa gate nang mahawakan niya ito sa braso.
"Anong kailangan mo? Wala dito si Sandro at Martin." malamig na sambit ng matanda.
Marahas na bumuga ng hangin si Sara. "Pasensya na po sa nangyari pero kailangan ko po talaga ng tulong niyo."
Humarap sakaniya ang matanda. "Wala akong maitutulong sayo."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.