Hindi alam ni Sara kung magagawa niya bang sabihin kaagad kay Mans ang nararamdaman niya. Breaking-up is harder than she thought. Akala niya ay magagawa niyang makipaghiwalay sa binata ng ganoon lang kadali pero nagkamali siya. Simula kagabi ay Hindi na mawaglit ang ngiti sa mga labi nito at hindi maatim ni Sara na mabubura ang mga ngiti na 'yon dahil sakaniya.
"Sara..."
Nilingon niya si Jill. Bumuntong hininga ito at hinawakan ang braso niya. "Nahihirapan ako para sayo pero hindi naman pwedeng lokohin mo nalang ang sarili mo at si Mans. Wala ka nang nararamdaman sakaniya, sabihin mo na."
Umiling siya sa matalik na kaibigan. "Hindi ko alam, Jill. Tuwing nakikita ko ang ngiti niya, naduduwag ako makipaghiwalay. Minsan ko na rin siyang minahal, Jill. At masakit sa akin na basta ko nalang siyang sasaktan at iiwanan."
Hindi na muling nag salita si Jill. Napailing nalang si Sara sa lahat ng nangyayari saka siya tumayo.
"Lalabas lang muna ako."
"Sige, ingat ka."
Bagsak ang balikat na lumabas ng bahay si Sara. Sakay ng motor ay umalis siya at nagmaneho papunta sa kung saan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, basta gusto niya lang makalayo at makapag isip-isip muna.
Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang screen pero hindi rehistrado ang numero. Sinagot niya kaagad ang tawag.
"Hello?"
"This is Risa."
Napatayo si Sara. "Anong kailangan mo?"
"You're investigating right? Bongbong's company is facing a crisis. Someone's stealing a a money from them. Why don't you investigate this case, I have guts that this is related sa nangyari kay Cal."
Nangunot ang noo ni Sara. Bakit bigla bigla yata itong bumait sakaniya at bakit nito pina-iimbestigahan ang kompanya?
"Paano mo nasabing konektado kay Calvin ang kompanya?"
"Naisip ko lang. That's a possibility. If Bongbong bears the consequences of Calvin's murder, then the opportunist in his company can steal everything."
Hindi nag salita si Sara. May posibilidad nga pero hindi kasi siya makapag-isip ng tama dahil sa mga nangyayari. Nahihirapan siyang mag-ipon ng impormasyon.
Tama si Risa, masyado siyang tanga para maging agent.
"You need to help Bongbong. The day after tomorrow, hahatulan na siya and if walang nakapagpatunay na inosente siya, then he will be punished for a crime that he didn't commit."
Marahas na ginulo ni Sara ang sariling buhok. "Don't pressure me! Akala mo ba madaling mag-imbestiga? Why don't you investigate too? Nang malaman mo ang mga sinasabi mo."
"Why are you mad? And I don't know anything about investigating kaya nga ikaw ang sinabihan ko ng guts ko. If you don't want to help, then tell Bongbong that you can't help him anymore."
Nagmaktol na pumadyak si Sara nang patayin ng malditang Risa ang tawag. Hindi kasi niyo naiintindihan ang proseso ng imbestigasyon. Mahirap mangapa lalo na't may ibang problema pa siyang iniisip.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.