Chapter 29

624 79 27
                                    

MABAGAL ANG takbo ng kotse na minamaneho ni Sara nang dumating siya sa race track. Agad niyang namataan si Baste na nakaupo sa hood ng kotse nito at lumapit sa kaniya nang tumigil ang kotse niya sa tapat nito. Bahagya niyang ibinaba ang bintana ng kotse. Nakasuot din siya ng itim na face mask para maitago ang kaniyang mukha.


"Hindi ba't si Sandro ang taong 'yon." sabi ni Baste saka itinuro ang isang lalaki sa gilid. May kausap ito sa telepono habang nakapamaywang.


Nangunot ang noo ni Sara saka nilingon muli si Martin. "Kasali ba siya sa laro?"


Umiling ang binata. "I don't think so. Baka sinamahan niya lang si Martin."


Napatigil ang dalaga at pinagmasdan ang mabait na Marcos na may kausap sa telepono. Posible nga kayang narito lang ang lalaki dahil sinamahan si Martin?


Ilang saglit pa ay napatingin si Sara sa isang kotseng dumating. Umawang ang labi niya hindi dahil sa ganda ng kotse kun'di dahil nang tumigil ang sasakyan sa tapat niya ay malinaw niyang nakita mula sa bukas na bintana nito ang tao sa loob. May takip ang mukha nito pero kilalang-kilala niya kung sino ang nasa loob.


Hinanap ng kaniyang mata ang numero na nakalagay sa kotse ng bagong dating. Number 04.


shit!


Mabilis siyang tumingin sa itaas kung saan nakalagay ang numero ng mga manlalaro. Number 04 si Race Lord.


Umawang ang labi ni Sara. Si Martin ang may pangalang Race Lord sa car racing pero bakit si Bongbong ang nasa loob ng kotse.


Napatitig si Sara kay Sandro na sumakay sa loob ng kotse ni Bongbong. Unti-unting sumara ang bintana ng kotse nito kaya naman nawala sa paningin niya ang dalawa.


Nilingon ng dalaga si Baste na nakatingin pala sa kaniya. "Hindi si Martin ang nasa number four."


Nangunot ang noo ng binata. "Ano?"


Bumuga ng hangin si Sara. "Mukhang alam nila na may binabalak si Antonio ngayon kaya si Bongbong ang lalaban. Kailangan mong bantayan ang mga kasamahan ni Antonio. Ako nang bahala sa number four."


Tumango lamang ang lalaki saka umalis na. Nagtaas ng noo si Sara nang magbigay ng Instruction ang lalaking pumunta sa unahan. Pinaandar niya ang kotse upang sumama sa hanay ng mga manlalaro. Sampu lamang sila at halatang halos puro kakampi ni Antonio ang mga kalaban.


Pinagmasdan ng dalaga ang mayabang na lalaki na nakatungtong sa hood ng isang kotse. Ngumunguya ito ng bubble gum at nang bumaba ay idinikit sa windshield ng kotse ang bubble gum na nanggaling sa bunganga nito.


Nagtiim-bagang si Sara. Gusto niyang labasin ang lalaki at pagsusuntukin hanggang sa gumapang pero sumenyas na ang lalaki sa unahan.


Kaniya-kaniyang pasok sa kotse ang mga manlalaro na nasa labas habang mahigpit namang hinawakan ni Sara ang steering wheel nang mapansin niya ang tingin ni Antonio sa sasakyang gamit ni Bongbong.

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon