KUNG MAY isang bagay na pinagsisisihan si Sara, iyon ay ang bumigay siya kay Bongbong. Halos oras-oras ay naaalala niya ang mga nangyari at hindi niya maiwasang matakot sa posibleng mangyari ngayong nakakapasok na sa buhay niya ang binata gayong dapat ay hindi.
"Earth to Sara!" Jill flicked her finger in front of Sara's face who was gaping at the air.
Kumurap-kurap ang dalaga. "Jill."
Umirap si Jill. "Actually hindi. I'm spongebob. My gosh, Sara. Nagday off ka nga, para namang wala pa rin akong kasama."
Bumuga ng hangin ang dalaga. "Pasensiya na, Jill. Ang dami ko kasing iniisip."
"Like what?"
Natigilan ang dalaga at napatitig sa dalaga. Alangang sabihin niya na hinayaan niyang tikman siya ng bugnuting demonyitong Bongbong sa parteng 'yon ng katawan niya at nagpadala siya sa mainit nitong mga halik kaya kamuntik na siyang bumukaka. Napangiwi siya.
"Come on, Sara. Tell me, are you falling in love with your boss or should I say, assignment?" nakataas ang kilay na tanong ni Jill sa kaibigan.
Umawang ang mga labi ng dalaga. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata dahil sa tinuran ng matalik na kaibigan. Parang gusto niya tuloy tumakbo paalis dahil sa sinabi ng dalaga.
Bahagya siyang ngumuso. "Wala akong gusto sa kaniya at lalong hindi ako nahuhulog." depensa nita sa sarili.
Tumawa lang si Jill at naupo sa harapan ng dalaga. "Maiba tayo, dumaan si Baste dito kahapon, may iniwang kotse, nandoon sa kwarto mo."
Kumunot ang noo ni Sara. "Nasaan 'yung kotse? Bakit di mo sinabi sakin?"
Tiningnan siya ng masama ni Jill. "Sinabi ko sa'yo kahapon pero tulala ka, babae. Ano ba kasing ginawa sa'yo ng Marcos na 'yon?"
Mariing itinikom ni Sara ang mga labi. Umiling siya at tumayo. "Titingnan ko lang 'yung kotse. Itetest drive ko rin para sa laban mamayang gabi."
Naningkit ang mga mata ni Jill habang hinahabol ng tingin ang kaibigan. She's not convinced na walang nangyari dahil sa pamumula palang ng pisngi ng kaibigan niya nang banggitin niya ang salitang Marcos ay halata niyang may itinatago ito. Sana lang ay malinawan kaagad ang isipan ng kaibigan niya bago pa mahuli ang lahat at makasakit ito ng sobra o di kaya'y masaktan ng husto.
***
SAMANTALA, tahimik na nakadekwatro si Bongbong sa kwarto niya sa mansion, Nakaupo siya sa kaniyang kama habang pinagmamasdan ang kaniyang kwarto. Nasa tamang pwesto ang lahat ng mga gamit niya pero pakiramdam niya talaga ay may mali. May nagbago.
Naningkit ang kaniyang mga mata at napako ang paningin sa walk-in closet niya. Tumayo siya at pumasok doon. Nangunot ang kaniyang noo nang mapansing medyo nagusot ang isa sa coat niya. Nilapitan niya ito at hinawakan hanggang sa biglang sumagi sa kaniyang isipan ang isang mahalagang bagay.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.