NAKAPANGALUMBABA si Sara habang nakaupo sa stool at nakapatong ang siko sa counter. Nasa harapan niya si manang Leni na abala sa pagluluto. Hinayaan na kasi siya nitong manuod nalang pagkatapos niyang tumulong sa mga rekado.
"Sara."
Napalingon si Sara kay Aika na biglang naupo sa tabi niya. "Oh bakit?"
Nangalumbaba rin ang babae. "Bakit parang galit sa'yo si miss Risa?"
Bumagsak ang mga balikat ni Sara. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari kanina at napaismid siya. Bakit nga ba galit sa kaniya ang babaeng 'yon? Dahil ramdam nito na may itinatago siya o insecure ito sa kaniya? Tsk!
Umiling siya sa dalaga bilang sagot. "Ewan ko."
Paano niya sasabihin sa iba na pati ang Risa na 'yon ay naghihinala sa pagkatao niya.
Ilang saglit pa ay biglang pumasok sa kusina si Risa. Ngumiti ito at bumati kay
manang Leni at Aika ngunit inirapan lamang si Sara.
Bumuga ng hangin ang dalaga at parang gusto niyang dukutin ang mata ng babae at ipakain sa mga hayop sa zoo. Malapit na siyang mapuno sa babae.
Sa inis ay tumayo siya at lumabas sa kusina. Iniwan niya ang tatlo sa kusina na nagkukwentuhan na.
Lumabas ng bahay si Sara. Parang gusto niya munang maglakad-lakad sa subdivision, tutal ay wala naman siyang ginagawa.
Habang naglalakad. Nangunot ang kaniyang noo nang matanawan si Martin na tumatakbo palapit sa kaniya. May mga kasunod ito na pamilyar sa kaniya. Mukhang galing rin ito sa kung saan at nang makalapit ito sa kaniya ay mabilis siya nitong hinila at isinama sa pagtago sa likod ng isang malagong halaman at mga bulaklak.
Akmang magsasalita siya nang takpan nito ang bibig niya.
"H'wag kang maingay, babe. Nasundan ako ng grupo ni Kiko." bulong nito. Napatikom ng bibig ang dalaga at tiningnan nalang ang grupo ng mga lalaking tumigil sa tapat nila at ilang saglit pa ay nagsialisan.
Ibinaba ni Marrin ang kamay saka napailing at napatingin sa dalaga.
Mabilis na tumayo si Sara nang titigan ni Martin ang mga labi niya. Tiningnan niya ang paligid saka lumabas mula sa pinagtataguan at nagpagpag ng damit.
Nilingon niya ang binata. "Saan ka ba kasi-"
Hindi naituloy ng dalaga ang sinasabi nang bigla siyang hablutin ng malanding si Martin at walang paalam na hinalikan siya sa mga labi.
Agad siyang umatras at sinampal ang lalaki na tila nagulat rin sa nagawa nito.
"B-Babe, sorry. Sorry hindi ko alam ang ginagawa ko."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.