GABI NA at hindi pa rin nakakalimutan ni Sara ang ginawang paghalik sa kaniya ni Bongbong. Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n nalang ang epekto sa kaniya ng simpleng pagdampi ng labi nito sa labi niya gayong hindi naman siya naapektuhan ng ganito noong lamukusin niya ng halik ang mga labi nito. Nababaliw na yata talaga siya.
Pumikit siya, pinilit na matulog dahil kailangan niya pang gumising mamayang alas dose para bumalik sa bahay ng mga Marcos. Ngayong gabi kasi ay plano niyang pasukin ang bahay at maghanap ng impormasyon tungkol sa koneksyon ng mga Marcos kay Calvin Fujiwara.
Ilang saglit pa ay tumayo si Sara. Wala na. Hindi na siya makakatulog kaya naman agad siyang nagbihis at lumabas ng kwarto.
"Where are you going?"
Kamuntik nang masuntok ni Sara ang kaibigan. "Jill! Ginulat mo 'ko!"
Jill rolled her eyes on her. "Kailan ka pa nahilig sa kape?" Umiling-iling si Sara saka inayos ang sarili. Nakasuot siya ng jeans at maluwag na t-shirt na itim. May hawak rin siyang baseball cap at mask.
"I'm asking you, Sara, saan ka pupunta?"
"Come on, Jill, parang hindi ka pa nasanay sa'kin. Of course, magtatrabaho ako. Kailangan kong mag-imbestiga." natatawang sabi niya sa kaibigan saka siya naglakad palabas ng apartment.
"You have the duplicate key right? Ilolock ko ang door."
Nginitian ni Sara ang kaibigan saka hinalikan ito sa pisngi. "Yes, dala ko. Ingat ka dito."
Jill rolled her eyes again. "Ikaw ang mag-ingat dahil paniguradong tototohanin ni Bongbong ang banta niya sayo. Ano ba kasing ginawa mo at nagalit sa'yo?"
Nanahimik nalang si Sara. Siguradong hindi magugustuhan ni Jill kapag sinabi niyang hinalikan niya ang bugnutin na lalaki para manahimik sa katatanong. Mamaya makarating pa kay Mans ang kaharutang ginawa niya, mag-away pa sila.
"Alis na ko." paalam niya sa kaibigan.
"Bye, ipagdadasal kong hindi ka mahuli ng pulis sa ayos mo. Gosh! Mukha kang akyat bahay." Tinawanan niya lamang si Jill. Talaga namang aakyat siya ng bahay ngayon e, bahay ng mga Marcos. Sana lang ay tulog na ang bugnuting amo niya dahil baka mapurnada nanaman ang pagmamanman niya.
Gamit ang motor niya na matagal nang nakatengga sa garahe ay umalis siya ng apartment at nagdrive papunta sa bahay ng mga Marcos. Hindi naman siya hinarang ng pang gabing guwardiya sa subdivision dahil isa ito sa kasamahan niya na ipinadala ng superior niya para tulungan siya.
Nang matanaw niya ang bahay ng mga Marcos ay agad siyang tumigil hindi kalayuan dito. Bumaba siya ng motor at suot ang baseball cap at face mask ay agad siyang naglakad palapit. Kabisado na niya ang buong kabahayan kaya naman bisto na niya kung saan nakatago ang mga camera.
Dumaan si Sara sa gilid ng bahay kung saan may hindi kataasang pader. Madali niyang naakyat ang pader sa pamamagitan ng pagtalon, sisiw sa kaniya ang ganitong bagay dahil ito ang madalas niyang gawin noon. Ang magbantay sa sindikato.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.