NANG MAILIGAW nina Martin at Sara si Kiko at ang grupo nito ay kapwa sila sumandal sa isang pader. Pareho silang pagod at hinihingal dahil sa pagtakbo. Nakapikit si Sara habang nakasandal pati likod ng ulo at nakangisi namang pailing-iling si Martin habang nakatingin sa dalaga.
Hindi makapaniwala ang binata na magaling sa billiards si Sara. At kanina, habang naglalaro ito, hindi maialis ng binata ang paningin niya dito. Sobrang ganda nito. Sobrang cool at nakakamangha ang katapangan.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Matamang pinagmamasdan lamang ng binata ang katabing dalaga hanggang sa bigla itong nagmulat ng mata at napasuntok sa hangin.
"Yung pusta!" bulalas ng dalaga.
Umawang ang labi ni Martin at napahalakhak. "Seryoso ka? Muntik na tayong mabugbog, babe,"
Sumimangot ng husto ang dalaga. "Palibhasa kasi, hindi ikaw ang nanalo. Hay! Sayang 'yon! Sa ungas lang na 'yon mapupunta. Nakakainis!"
Tumawa lang si Martin. Aliw na aliw siya sa hitsura ng dalaga. Bakas sa mukha nito ang lugi dahil sa nangyari. Sa bagay, sayang nga kasi talaga ang panalo nito.
"Sayang nga pero ligtas naman tayo."
Tiningnan ni Sara ng masama ang binata saka inirapan. Tumawa muli si Martin saka hinawakan ang siko ng dalaga. "Alam mo, uminom nalang tayo. Libre ko."
Nginiwian niya ang lalaki. "Seryoso ka ba? Ganito kaaga, mag-iinom tayo?"
"Bakit? Masama ba? Kailangan ba gabi mag-inuman?"
Naningkit ang mga mata ng dalaga. "Wala ka namang binabalak diba?"
Humalakhak ang binata. Bakas sa mukha ang pagkamangha sa klase ng tanong ng dalaga. "Wow! Ang sama talaga ng tingin mo sa'kin 'no?"
Inirapan niya ito. "Masisisi mo ba 'ko? Palagi mo kaya akong nilalandi."
"Wala, babe. Wala akong binabalak. Gusto ko lang malaman kung lasinggera ka rin." saka pa ito ngumisi at kumindat sa kaniya.
Tumawa nalang ang dalaga at hinayaan ito na hilahin siya. Pumara ito ng taxi at nauna siyang pinasakay.
Habang lulan naman sila ng kotse ay nagtanong si Martin. "Nasaan ka nga pala bago kita tawagan?"
"Sa..." natigilan ang dalaga. Saglit niyang nilingon ang katabi. "Sa bahay. Nakahilata." dugtong niya.
Palihim siyang napailing. Muntik na siyang madulas.
"Ah! Ang boring sa bahay pag wala ka, alam mo ba 'yon?"
Siningkitan niya ng mata ang binata. "Wala ka kasing mapagtripan."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.