MAIGING PINAGMAMASDAN ni Bongbong si Sara na naglalampaso ng sahig sa living area. His arms and legs are crossed as he watch the lady intently. Asiwa naman ang dalaga dahil sa titig ng masungit na binata. Talagang tinotoo nito na bantayan sya at literal ang pagbabantay nito.
Gusto nyang singhalan ang binata. Sa totoo lang ay kanina nya pa gustong sipain ang binti nito dahil sa inis pero pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil nanunuod ng telebisyon si Sandro.
Hindi pumasok ang magpinsan sa opisina ng mga ito ngayon kaya naman hindi makakilos ng malaya si Sara.
Pinasadahan ng dalaga ng tingin ang sahig at akmang tatalikod na nang magsalita si Bongbong. "Keep cleaning, lady. You're not allowed to leave without my permission."
Mariing napapikit ang dalaga. Gusto nyang hambalusin ng mop ang siraulong lalaki.
"Dad, baka mapudpod ang tiles kalalampaso nya." komento ni Sandro sa sinabi ng ama.
Tama, aba'y ilang pasada nalang ng mop ay mabubura na ang sahig. Nauubos na ang pasensya ng dalaga. Ano kaya kung ipalunok nya kay Bongbong ang hawak nya? Tss!
Umikot ang mata ni Sara sa inis. Kailan ba kasi sya makakakuha ng sapat na impormasyon laban dito nang matapos na ang misyon nya? Napailing sya. Nagsisisi tuloy siya na tinanggap nya ang misyon.
"Sara, itigil mo na 'yan, gawin mo na ang ibang gawain mo."
Gustong magpasalamat ng dalaga kay Sandro pero agad syang sumimangot nang tutulan ni Bongbong ang sinabi nito.
"Subukan mong mawala sa paningin ko, parurusahan kita." mapanganib na banta ni Bongbong.
Nag-ngitngit lalo ang kalooban ni Sara sa inis sa binata. Minamanipula sya ng lalaki at hindi n'ya 'yon gusto.
Sara being the stubborn woman she is, she grimaced and turned her back on them. Iniwan n'ya ang mag ama sa sala saka s'ya pumasok sa kusina kung saan naroon si Aika at ang ina nitong si manang Leni na kapuwa naghihiwa ng mga gulay.
"Oh, Sara, tapos ka na palang maglinis. Halika't ikaw na rito sa ginagawa ko. Kailangan ko na kasing maglaba." bilin ng ina ni Aika sa kanya.
Tumango at ngumiti lang si Sara saka pumalit sa pwestong inalisan ng matanda. Ipinagatuloy niya ang paghihiwa ng mga gulay habang nakikipagkuwentuhan kay Aika.
"Alam mo, Sara, feeling ko interesado sayo si sir Bongbong."
Kamuntik nang chopchopin ni Sara ang gulay nang marinig ang pangalan ng damuho niyang amo. Tingnan mo nga naman, pati si Aika ay napapansin na ang ginagawa ng hinayupak na lalaki. Kung pwede lang niyang singgahin ang lalaking 'yon ay ginawa na niya kaso may kailangan siyang unahin.
Marahas na umiling ang dalaga. "Bakit mo naman nasabi?"
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.