KUNG MARUNONG lang mangkulam si Sara, hindi siya magdadalawang isip na kulamin ang halimaw niyang amo. Parang gusto niya ring tadtarin ito ng pinong-pino at gawing pataba sa halaman dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya.
Matapos niyang talikuran ang binata kanina ay agad siyang bumalik sa penthouse at nagsimulang magluto kahit pa banas na banas siya sa amo niya.
Kasalukuyan siyang nakatitig sa niluluto niyang menudo hanggang sa biglang sumagi sa isipan niya na taktakan ng lason ang ulam.
Ginulo niya ang sariling buhok at marahas na napailing. Nababaliw na yata siya. Kasalanan ito ng Bongbong na 'yon na saksakan ng yabang at sobrang itim ng budhi. Makahanap lang talaga siya ng butas dito ay sisiguraduhin niyang pababagsakin niya ito at ilulugmok sa putik.
Marahas na namang napailing si Sara saka inabala ang kaniyang sarili sa pagluluto. Inabot pa ng halos isang oras si Sara bago natapos sa pagluluto. Tamang-tama naman na narinig niya ang pagbukas ng pinto ng penthouse.
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga at ilang ulit na ipinaalala sa sarili na huwag isaboy sa mukha ni Bongbong ang niluto niya. Nang tagumpay na nakumbinsi niya ang sarili ay sinalubong niya ang mga bagong dating na amo at gano'n nalang ang gulat niya nang mamataan si Martin na agad siyang nginisihan.
"Hi, babe. Namiss mo ba ako?" ngingisi-ngising tanong nito.
Hindi niya sinagot ang binata, sa halip ay ibinaling niya ang kaniyang paningin sa isa pang lalaki na ngayon ay titig na titig sa kaniya na tila humahalukay na naman sa kaniyang kaluluwa.
Mabilis rin siyang nag-iwas ng tingin.
"Ihahanda ko na po ang pananghalian." sabi niya upang umiwas dahil nararamdaman niya ang muli na namang kakaibang kiliti sa kaniyang kaibuturan dahil sa klase ng titig sa kaniya ng bugnuting demonyito.
"Sama ako, babe— Aw! Ano ba, Sandro!" naputol ang sinasabi ni Martin nang hilahin ng pamangkin ang likod ng kwelyo ng suot nitong polo shirt.
"H'wag mo nang guluhin si Sara. Sabi mo makikikain ka lang dito kasi ayaw mo ng ulam sa mansion." saway ni Sandro sa tiyuhin.
Tinalikuran na niya ang mga amo. Bumalik siya sa kusina at nagsimulang mag-ayos ng mesa.
Abala siya sa kaniyang ginagawa ngunit natigilan siya sa kalagitnaan ng paghahayin ng kanin nang pumasok sa kusina si Bongbong. Dumiretso ito sa ref at kumuha ng tubig saka uminom. Ikinalma ni Sara ang sarili. Nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa habang pinakikiramdaman ang binata.
Multitasking is real! Anak ng tinapa, Sara. Bakit ka ba kasi apektado ka sa presensya ng hudas na bugnuting 'yan?- lihim na kastigo niya sa kaniyang sarili.
Inabala niya ang kaniyang sarili sa ginagawa hanggang sa bigla siyang mapakislot dahil sa tila sinasadyang pag bangga ng braso ni Bongbong sa balikat niya.
Marahas na nilingon niya ang binata. "Please, don't play with me, sir."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.