ALAS KUWATRO palang ng Lunes ng umaga ay nakatayo na si Sara sa harap ng malaking bahay ng mga Marcos. Sukbit niya ang mallit na backpack na dala niya noong umalis siya ng sabado ng gabi.
Ilang saglit pa ay bumukas ang gate ng bahay. Lumabas si Bongbong na nakahoodie at may towel sa batok, halatang magjojogging.
Nahagip ng paningin nito ang dalaga at agad itong sumulyap sa suot na relo saka siya nilapitan. "What are you doing here? It's too early,"
Ngumiti siya sa lalaki. "I'm an early bird, sir."
Tiningnan lang siya ng masama ng bugnutin saka ito tumalikod at naglakad palayo.
Mahina namang tumawa si Sara saka pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kusina upang magluto ng almusal. Siguradong sesermonan siya ng bugnuting Marcos kapag bumalik ito nang hindi pa siya nakakapagluto ng almusal.
Hay! Ang sungit talaga ng bugnutin na 'yon. Pasalamat nga ito at iniligtas niya ito noong nakaraang gabi, kung nagkataong hindi siya nang akyat bahay, edi pinaglalamayan na sana ang masungit na 'yon ngayon.
"Sara?"
Napalingon si Sara sa tumawag sa kaniya. Si Win 'yon na agad ngumiti.
"Good morning. Ang aga mo namang bumalik."
Nagkibit balikat lamang ang dalaga. Wala naman kasi siyang gagawin sa apartment nila ni Jill, isa pa ay gusto niyang bantayan ang bawat kilos ni Bongbong dahil batid niyang babalik pa ang nagtangka dito no'ng nakaraang gabi katulad niya na binalak bumalik kagabi para magnakaw ng impormasyon pero ipinagpaliban nalang muna niya dahil siguradong alerto ang bugnuting Marcos matapos ang nangyari.
"Yes, ninong, kaso ayaw magpaimbestiga ni Bongbong dahil gusto niya raw ay siya ang humuli sa attacker, isa pa ay may nagligtas daw sa kaniya na gusto niyang malaman kung sino."
Napalingon si Sara at Win sa lalaking kapapasok lamang sa kusina. Dumiretso ito sa refrigerator matapos kindatan at ngisihan ang dalaga habang may kausap ito sa telepono.
Napailing nalang si Sara at itinuloy ang ginagawa.
Sumandal sa refrigerator si Martin habang may hawak na isang bote ng malamig na tubig na inilapit nito sa dalaga. "Open the bottle for me, please." nakangiti nitong sabi sa dalaga.
Hawak kasi nito sa kabilang kamay ang cellphone nito.
Sinunod ni Sara ang binata at kumindat nanaman ito matapos niyang gawin ang utos nito. Napailing ang dalaga. Hindi kaya ito kinikilabutan sa ginagawa nitong paglalandi sa kaniya?
"That's right, ninong. Convince him na magpaimbestiga. Aba, delikado kapag ganito, kaya nga nagsuggest ako sa kaniya na palagyan ng CCTVs ang buong bahay."
Nasamid si Sara dahil sa sinabi ni Martin dahilan para mapalingon ito at si Win sa kaniya. Awkward lang siyang ngumiti saka itinago ang mukha at mariing pinagdikit ang mga labi. Anak ng tinapa. Paano ako mag iimbestiga kung may CCTV ang palibot ng bahay? nanlulumong reklamo ng dalaga sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.