MAGKASABAY na lumabas ng bahay ang mag amang si Sandro at Bongbong. Sumakay sila sa iisang sasakyan at si Sandro ang nakatoka sa pagmamaneho ngayong araw.
Sandro started the engine and looked at his Dad beside him. Sa kabilang banda ay binuksan naman ni Win ang gate para makalabas ang dalawang amo.
"Hindi mo ba sasabihin kay Tito Martin ang dahilan kung bakit pinagbabawalan
mo siyang lumabas?" tanong ni Sandro sa kalagitnaan ng pagmamaneho.
Ipinatong ni Bongbong ang siko sa nakabukas na bintana ng kotse. "I don't have to. Mas lalo lang susuway 'yon kapag sinabi ko ang dahilan."
Tumango si Sandro sa ama. "How about the attacker and that one who saved you? Maganda ang suhestiyon ni Tito na lagyan ng CCTV ang buong bahay. Bakit ayaw mong pumayag?"
Bongbong took a deep sigh. Hindi siya pumapayag dahil gusto niyang malaman kung sino ang nagligtas sa kaniya at lalong hindi siya papayag dahil may hinala siyang si Sara ang babaeng 'yon.
"Dad" tawag ni Sandro sa atensyon ng ama.
Umiling ito. "He won't come back if he found out about the CCTV."
"Sabagay, pero anong plano mo?"
Nagtiim bagang si Bongbong. "I will catch him myself. Sigurado akong konektado siya kay Cal lalo na't nabuksan ulit ang kaso niya."
Tumango-tango si Sandro. "I will help."
Hindi na umimik ang lalaki. Tumingin lang siya sa labas at pinagmasdan ang matatayog na gusali. Ilang saglit pa ay natanaw niya ang isang billboard kung saan nakapaskil ang litrato niya mula sa isang sikat na magazine.
"Pabalik na nga pala ng Pilipinas next month si Risa. Natatandaan mo pa ba ang deal nyo?"
Nangunot ang noo ni Bongbong. "Deal?"
"Dad, you agreed to her condition na tumira sa bahay kapalit ng engagement nyo at ng partnership with their family's company. You have to make her family believe na totoo ang feelings nyo para sa isa't-isa for each other's benefit. Hindi ba't 'yon ang deal nyo?"
Napabuga ng hangin si Bongbong. Oo nga pala, Nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Nitong mga nakaraang araw kasi ay abala siya sa pagmamanman sa mga kilos ni Sara kaya nawala sa isipan niya.
"I totally forgot about that."
"Dahil kay Sara?"
Natigilan si Bongbong at kunot-noong nilingon ang anak. "What?"
Mahinang tumawa si Sandro "Akala mo ba hindi ko napapansin ang kakaiba sa kitos mo? Kung si Tito maloloko mo, ako hindi. You've been acting strange since Sara came and ever since that night, alam kong may nag-iba"
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.