SARA knew someone is rudely staring at her. Ramdam nya ang matalim na titig ng kung sino mula sa likuran nya at nang lumingon sya ay hindi nga sya nagkamali. Naroon sa may hagdanan si Bongbong, nakasandal sa railing habang diretsong nakatingin sa kanya at nakahalukipkip ang mga braso.
Nagpupunas ng coffee table si Sara. Katatapos lamang nila ni manang na magluto ng pananghalian.
Ilang araw na ang lumipas mula noong lagpasan sya ng halimaw na Marcos pagkatapos nya itong lamukusin ng halik. Akala nya ay mananatiling parang hangin ang trato nito sa kanya pero nagkamali sya dahil matapos ang ilang araw ay narito nanaman ang makatindig balahibong titig ng lalaki.
Palihim syang napailing at iwinaksi sa isipan ang masungit na lalaki. Hindi naman kasama sa trabaho nya ang ugali ng lalaki kaya mas mabuti pang h'wag nalang itong pansinin pa.
Bahagyang nakatuwad si Sara dahil pinulot nya ang nakakalat na magazine at ipinatong sa coffee table. Akmang aayos na sya ng tayo nang may sumagi sa pwet nya.
"Ay!" tili nya nang mapaupo sya sa sofa.
Tiningnan nya ng matalim ang humahagikhik na si Martin na nakahilata ngayon sa sofa. Tinulak lang naman sya nito gamit ang bola nito na pangbasketball.
Kahit inis na inis ay tinalikuran nalang nya ito saka sya pumasok sa kusina at doon naman naglinis. Kailangan nyang makalayo sa lalaki dahil baka hindi nya mapigil ang sarili na sakalin ito hanggang mamatay sa mismong harap ni Bongbong.
Argh! Nakakastress na bahay na ito. Hindi nya akalaing mahihirapan sya sa huling assignment nya.
Pinagpagan ni Sara ang mga palad nya saka naupo sa stool. Pumangalumbaba sya at nag-isip ng mga bagay-bagay nang makaramdam sya ng presensya mula sa likuran nya. Agad syang naging alerto at mabilis na lumingon sa kanyang likuran. Gano'n na lamang ang gulat nya nang mapagtantong si Bongbong ang tao sa likuran nya. Mataman sya nitong pinagmamasdan gamit ang mga mata nitong walang emosyon at malamig kung tumingin.
"Uhm...sir, m-may iuutos po kayo?" kiyemeng tanong ni Sara kahit sa loob loob nya ay nakasimangot sya.
"You we're aware of my presence. Now, fucking tell me who you are, Sara Duterte or I'll fire you right away!" tiim-bagang na banta nito.
Hindi sya nakasagot. Nagtatanong nanaman ang binata. Anong gagawin nya? Hahalikan nya ba ulit ang lalaki?
Humakbang ito ng isang beses palapit sa kanya. Napasandal sa counter si Sara. Buti na lamang ay medyo mas matangkad siya sa lalaki kaya'y hindi mangangawit ang leeg niya sa pag tingin dito.
"S-Sir..." halos pangapusan sya ng hininga.
"Who the fuck are you?!" matigas na tanong nito.
Sara had no choice but to kiss him again and she did. She ravaged his parted lips for God knows how long. Hindi gumagalaw ang binata. Tila nagulat sa pangalawang pagkakataon ngunit hindi katulad ng una ay tinulak sya nito.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.