NANG SUMUNOD na day off ni Sara ay agad siyang pumunta sa opisina upang makausap ang superior niya. She wants to talk about the threats in Bongbong' life. Dalawang beses nang may nagtangka sa buhay nito at nararamdaman ng dalaga na hindi lang basta-basta ang mga taong 'yon.
Nang pumasok sa opisina ang superior niya ay agad siyang tumayo at nagbigay galang. "Sara, anong gusto mong pag-usapan?" agad na tanong nito ng makaupo sa harapan niya.
"Sir, dalawang beses nang may nagtangka sa buhay ni Bongbong at sa tingin ko, hindi sila basta-basta. Gusto kong malaman ang lahat ng koneksyon niya, sir, para mabigyang linaw ang lahat." diretsong sagot niya.
Tumango-tango ang opisyal. "Bongbong is a very well-known businessman, Sara. Isa rin siyang mahusay na prosecutor at ang sinasabi mong nagtatangka sa buhay niya ay maaaring tauhan ng isang malaking sindikato noon na nasintensyahan dahil sa kaniya."
Umawang ang labi ni Sara. "Pero bakit hindi niyo kaagad sinabi sa'kin? Sir?"
Bumuntong-hininga ang opisyal. "Dahil hindi naman kasama sa misyon mo ang tungkol sa buhay ni Bongbong, trabaho 'yon ng isa pang secret agent na binigyan ko ng assignment. Ang ibinigay ko sa'yong trabaho ay alamin ang koneksyon ni Bongbong kay Calvin dahil nagtataka ang nasa itaas kung bakit hindi lumabas sa imbestigasyon ang pangalang Marcos gayong sabi ng kapatid ni Fujiwara ay malapit ito sa mga Marcos."
Natigilan si Sara. Napukaw ang atensyon niya dahil sa isang impormasyon na binitawan ng opisyal na kausap. "May kapatid si Calvin Fujiwara?"
"Half-brother, miss Duterte. Siya ang dahilan kung bakit muling nabuksan ang kaso ni Calvin."
Napatango-tango ang dalaga. Naiintindihan niya na galit ang pamilya ni Calvin pero bakit ngayon lang ulit binuksan ang kaso?
"Hindi maideklarang case closed ang kaso ni Calvin dahil nga marami pang butas. Walang maiturong suspek at nawawala ang murder weapon." dugtong pa ng superior ng dalaga.
"Oo nga pala, I will give you another asignment, Dahil nasabi mong may nagtatangka sa buhay ni Bongbong, I want you to protect him."
Nag-angat ng tingin ang dalaga. "Nagawa ko na, sir, at sigurado akong dumagdag nanaman ang mga katanungan sa isipan niya ngayon tungkol sa pagkatao ko."
"H'wag kang magdadahilan sa kaniya, Sara. Matalino si Bongbong, magaling siyang kumilatis ng tao."
Bumuntong-hininga nalang ang dalaga. Hindi niya akalaing mahihirapan siya ng ganito. Akala niya simple lang ang magiging trabaho niya pero naging komplikado 'yon dahil sa ugali ni Bongbong.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok ang kapatid ni Sara na si Baste. Agad itong nagbigay galang sa opisyal nila bago lumapit sa kanila.
"Sir, may dumating na report tungkol sa nakawan sa Subway Station 3, umatake ulit ang mga kawatan. Patay ang nanlaban na biktima."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.