Martin is scrolling on his phone, reading news on the internet. Napapaismid pa siya sa mga balitang sumisira sa pinsan niya. Nakakayamot talaga ang mga netizens na feeling superior at malinis. Makasilip lang ng kaonting butad sa isang tao, grabe na kung humusga.
"Tsk!" pumalatak ang binata saka tumayo at kumuha ng tubig sa ref. Uminom siya sa bote habang hawak pa rin ang cellphone niya at tinitingnan pa rin ang mga news.
Hindi pa niya nalulunok ang tubig na iniinom niya ng bigla siyang masamid. Nabugahan tuloy niya ang cellphone niya kaya naiiling siyang bumalik sa kitchen counter at ibinaba ang bote ng tubig na hawak niya.
Pinunasan niya ang cellphone gamit ang dulo ng damit niya. Inalis niya rin ang case nito dahil medyo napunta sa gilid ang tubig. Akmang ibabalik na niya ang case nang mapansin niya ang isang manipis at maliit na bagay sa case.
Tinuklap niya ito at umawang ang kaniyang labi sa na realized niya. A bug?
Sarkastiko siyang napatawa saka isinilid sa bote na may tubig ang maliit na itim na bagay.
Ikinuyom niya ang kaniyang kamao habang nakatingin sa device na nakalubog sa tubig. Siya ang mayroong bug. Ibig sabihin, narinig ng naglagay ng bug sakaniya ang pinag-usapan nila nina Sara, Sandro, at Risa.
"Tangina!" malutong na pagmumura niya.
Sino naman kaya ang naglagay ng bagay na 'yon sakaniya?
Lumabas siya ng kusina. Nag-iisa na siya sa first floor dahil tulog na ang mga kasama niya. Si Sandro naman ay mag o-overtime sa kumpanya.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto. Pumasok si Risa na agad siyang nakita.
"Martin." lumapit ito at naupo sa harapan niya.
"Saan ka galing?"
Umirap sa kawalan si Risa. Mukhang hindi nito nagustuhan ang kasama nito kanina.
"I was with the stupid agent. We're working together."
Umawang ang labi ni Martin. "Kailan pa kayo nagkasundo?"
Ngumiwi si Risa. "We're not magkasundo. We were just helping each other for Bongbong, and you know what, I suspected you."
Nanlaki ang mga mata ni Martin. "Bakit ako?!"
Bahagyang ngumuso si Risa. "At first, I suspected Sandro, but after analyzing everything, and after confronting the company's finance office, I realized that the man behind all of these is trying to kick Sandro and Bongbong from the company. I thought ikaw, but before meeting that bitch, I realized na hindi mo magagawa 'yon sa pinsan at pamangkin mo. You're not even interested in the company."
Bumukas ang gulat sa mukha ni Martin. Nag-iimbestiga ang dalawang babae at marami na itong nakakalap na impormasyon.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.