Maagang nagising si Sara kinabukasan. Habang nagkakape ay binuksan niya ang telebisyon para manuod ng balita. Halos hindi siya nakatulog sa pag-iisip. Gulong-gulo na siya at sobrang hirap lutasin ng kaso ni Bongbong. Kakaiba. Ngayon lamang siya nahirapan ng ganito at parang sasabog ang ulo niya dahil sa mabibigat na impormasyon na nakalap niya.
Bumuntong -hininga siya. Nakalahati na niya ang kape nang biglang may flash news. Napakurap-kurap ang dalaga at umawang ang labi nang ipakita sa telebisyon ang isang gallery na may malaking pangalan sa harap na 'Inkkon'
Anong...
Mangiyak-bgiyak ang may-ari ng Inkkon Gallery na si Cynthia. Nang bisitahin niya kasi ang gallery na pagmamay-ari niya kani-kanina lang ay tumambad sakaniya ang nawawalang mga obra na aniya ay nagkakahalaga ng halos sampung libo bawat isa. Higit na labing-apat na obra ang nawawala at lahat ng iyon ay obra ng yumaong sikat na photographer na si Calvin..
Sara's mind went blank. Nakatulala na lamang siya sa telebisyon at maging ang tsaa ng kape na hawak niya ay nabitawan niya at nabasag.
Suminghap si Sara. Umaalon ang kaniyang dibdib sa bilis ng kaniyang pag hinga at unti-unting nabubuo ang galit sa loob niya.
Mabilis siyang tumayo. Hinablot niya sa mesa ang susi ng kaniyang motor aaka agad na umalis ng bahay. Kailangan niyang puntahan sina Martin at Sandro. Ang dalawang ito lamang ang nakakaalam ng plano niya kaya marahil isa sa mga ito ang nagnakaw ng photographs. At kung hindi siya mabibigyan ng matinong sagot ng dalawa, hinding-hindi na siya mag titiwala sa mga ito.
Nang makarating siya sa tapat ng mansion ay agad siyang bumaba at kinalampag ang gate.
Lumabas si Sandro at kasunod nito si Martin. Pareho itong nakakunot ang noong lumapit kay Sara na bakas ang matinding galit sa mukha.
"Sara, bakit?"
Pinaglipat-lipat ni Sara sa dalawang lalaki ang paningin niya. "Kayo ba ang nag nakaw ng mga gawa ni Calvin sa Inkkon Gallery?"
Umawang ang mga labi nito. Bumakas rin ang gulat sakanilang mukha pero masyadong nadadala ng galit si Sara para isipin pa ang nararamdaman ng mga ito dahil sa sinabi niya.
"Sagutin niyo ako!" asik niya sa dalawa nang manatili itong tahimik.
Umiling si Martin. "Hindi kami."
Ginulo ni Sara ang sariling buhok. "Eh sino?! Tayong tatlo lang ang nakakaalam at may plano non. Imposibleng nagkataon lang na pag mamay-ari ni Calvin ang lahat ng ninakaw."
Pagak na tumawa si Sandro. "Hindi lang tayong tatlo ang nakakaalam, Sara. Alam rin ni Kris at ano bang problema mo? Galit ka ba dahil ninakaw o galit ka dahil iniisip mo na inunahan ma namin sa plano?"
Natahimik si Sara. Napatitig siya kay Sandro. Ito ang kagabi niya pa pinaghihinalaan at sa mga isinasagot nito ngayon na para bang hindi ito nag aalala na ninakaw ang mga gawa ni Calvin ay mas tumindi ang paghihinala niya.
"Anong nangyayari rito? At anong ginagawa mo dito, traydor?" maya-maya'y lumapit sakanila si Risa. Matalim ang tingin nito sakaniya pero hindi niya ito pinansin.
"Hindi kita pipilitin na maniwala sakin, Sara. Pero mas mabuti pang hindi na kami makipag tulungan sayo kung ganitong wala ka naman palang tiwala at wala kang karapatang akusahan ako dahil tatay ko na si Bongbong bago ka pa dumating sa pamilyang to." Galit na sumbat ni Sandro saka tumalikod at pumasok sa mansion. Sumunod dito si Martin na tahimik lang at naiwan si Risa na nakataas ang kilay sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.