SUOT ANG PARES ng flat shoes at dress na hanggang tuhod ay nakasunod si Sara kay Bongbong na naglalakad papunta sa kung saang parte ng mall. Kunot na kunot ang kaniyang noo dahil puro pink ang suot niya at hindi niya ito nagugustuhan lalo na't alam niyang iniinis siya ng bugnuting Marcos.
Matalim ang tingin niya sa likod ng pandak na lalaki. Kanina niya pa ito gustong sipain.
Ilang saglit pa ay biglang tumigil si Bongbong, lumingon ito sa kaniya saka biglang ngumisi. "Stay here."
Tumaas ang kilay ni Sara. Tinangka niyang magtanong pero lumayas na ito sa harapan niya. Tamad na napabuntong-hininga lang si Sara at hinawakan ang bestidang suot niya. Anak ng tokwa talaga! Hindi naman siya mahilig sa pink.
Maya-maya lamang ay bumalik si Bongbong at may isinuot na headband sa kaniyang ulo. Nagulat siya at agad na kinuha ang inilagay nito at mas lalo siyang nairita nang makita ang isang pink na headband na may malaking tainga.
Matalim na tiningnan niya ang lalaki. "Ginagago mo ba 'ko?!"
Ngumisi lamang si Bongbong saka inagaw sa kaniya ang headband at isinuot ulit sa kaniyang ulo. "Huwag mong alisin. Gusto kitang nakikitang ganiyan."
Naningkit ang mga mata ng dalaga. "Ganito? Na parang tanga?"
"Sinong nagsabing para kang tanga," kunot-noong sabi ng binata. "You look cute, sweetheart."
Umismid si Sara. "Huwag mo nga akong tawaging sweetheart."
"Tatawagin kita sa kahit anong paraan ko gusto. H'wag ka na nga lang magreklamo."
Inirapan niya lang ang lalaki. Tumalikod naman ito at nagsimula nanamang maglakad. Umirap muli ang dalaga at akmang tatahakin ang kabilang direksyon nang magsalita ang bugnuting Marcos.
"Subukan mo 'kong takasan, tatanggalin kita sa trabaho at wala kang makukuhang kahit anong impormasyon tungkol sa'kin."
Marahas na bumuga ng hangin ang dalaga saka lumingon sa bugnutin na nakatayo lang at bahagyang nakalingon sa kaniya.
Padabog siyang lumapit dito. "Saan ba tayo pupunta?"
"Sa restaurant, kakain." sagot nito saka nagpatuloy sa paglalakad.
Pangumod-ngumod ang dalaga habang nakasunod sa bugnutin niyang amo. Kung wala lang talaga siyang kailangan dito, hinding-hindi niya susundin ang lalaki.
Pumasok sa isang restaurant ang binata at sumunod si Sara. Naningkit ang kaniyang mga mata nang pumili ng mesa ang lalaki saka humugot ng isang upuan at tiningnan ang dalaga. "Sit here."
Naupo si Sara sa upuang hinugot nito para sa kaniya. Naupo rin ang binata sa harapan niya saka ngumiti. "Anong gusto mo?"
"Gusto kong magpalit at umuwi." pabalang niyang sagot.
Agad na kumunot ang noo ng binata. Halatang hindi nagustuhan ang kaniyang sagot. "I'm trying to be a good dating partner here, sweetheart. Don't spoil the moment, baka bigla kitang halikan pag nainis ako sa lumalabas sa bibig mo."
Sumimangot ng husto ang dalaga. Bahagyang tumagilid naman ang ulo ng binata saka inimuwestra sa kaniya ang menu na nasa mesa. "Pumili ka na. Mahaba pa ang oras na makakasama mo ako ngayong araw kaya kailangan mong magtiis."
BINABASA MO ANG
The Maid
FanfictionHe's cold, unbreakable, unreachable and tough not until he got another maid in his house. The certain maid who makes his heart skip a beat, a maid who happen to wake his long lost desire for a woman.