Chapter 42

428 61 26
                                    

"Sinabi mo na mag reresign ka na after nitong huling assignment mo. Bakit nagbago ang isip mo, Sara?" tanong ng superior niya.


Bumuntong hininga si Sara. Tamad siyang nakaupo sa harapan ng mesa ng superior niya. Pinatawag siya nito para pag-usapan ang pag reresign niya pero napansin niyo ang itsura niya habang nagsasalita ito.


"Sara, you are like a daughter to me. Alam kong may problema ka at batid kong dahil ito kay Atty. Marcos. Tell me, anong problema?"



Sinalubong niya ang tingin ng superior niya. "Sir, someone wrote the report and hacked my email account. Wala akong napuna kay Bongbong na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Calvin. Hinalungkat ko rin ang kahon na sinasabi niyong kinalalagyan ng mga ebidensya pero wala ang mga 'yon noong naghalungkat ako."



"Sir, may sumisira kay Atty. Marcos." Dugtong pa ni Sara.



Tinitigan siya ng superior niya. "Kung ganon, iharap mk sakin ang nag planta ng ebidensya sa mga gamit ni Atty."



Umiling si Sara. "Sa ngayon, hindi ko pa masasabi kung sino."



"Then you have to hurry. Unveil the truth bago pa mahatulan si Atty. Marcos."




"Hindi ko alam kung paano, sir. Gulong-gulo na ako." Sagot ni Sara matapos guluhin ang sariling buhok.



"Are you in love with him, agent Sara?"




Doon natigilan si Sara. Napatingin siya sa nakatatanda at mariing pinagdikit ang mga labi. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito o kung dapat bang sagutin niya ito.



"Hindi ako makikialam sa nararamdaman mo, Sara. Pero kung ipapahamak mo ang sarili mo dahil sa nararamdaman mo, I will not allow you."



Hindi nag salita si Sara. Nanatili siyang tahimik habang tinitimbang ang sarili. Handa ba siyang mapahamak para mahanap ang totoong pumatay kay Calvin? Siguro nga handa siya, pero ang hindi niya kayang paghandaan ay kung tuluyang makukulong si Bongbong sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Natatakot siya.


Matapos ang pakikipag-usap ni Sara sa superior niya ay agad siyang umalis. Kikitain niya ulit si Sandro dahil nag text ito sakaniya kagabi na puntahan siya sa address na ibinigay nito sakaniya.



Sakay ng motor niya ay ligtas siyang nakarating sa isang lugar na halos walang tao. Umawang ang labi ni Sara nang maaninag ang dalawang taong sakay ng isang itim na kotse.



Mariin niyang pinagdikit ang mga labi. Bakit kasama ni Sandro si Martin?



"Sara." Tawag sakaniya ni Sandro nang bumaba ito sa kotse. Sunod na bumaba naman si Martin at naupo sa ibabaw ng hood ng kotse.



Pasulyap-sulyap si Sara kay Martin. Batid niyang galit ito sakaniya kaya nababahala siya.


"Inutusan siya ni Dad na ibigay sayo ang mga gamit ni Calvin." sabi ni Sandro.



Gulat na napatingin si Sara kay Martin. Inutos ni Bongbong? Pero hindi pa sila nag uusap ulit. Ibig bang sabihin ay pumayag na si Bongbong na palihim siyang mag-imbestiga at hanapin ang totoong pumatay sa dati nitong kasintahan?



"Malaki ang tiwala sayo ni Daddy, Sara." Dugtong pa ni Sandro.



Tumango si Sara at bumuntong hininga. "May tatlong pinunit na pahina sa diary ni Calvin. Maaaring nasa killer 'yon, o nasa mga gamit niya. Kailangan nating hanapin ang tatlong pahina na 'yon."




The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon