Prologue Chapter
Teiro's Point of view
"PARA SA ating namayapang kapatid, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa."
Hindi ko talaga gusto ang ganito.
"Ang ating Panginoong Hesus ay nagbigay sa atin ng buhay, ang natatanging nilalang na may likha ng lahat ng bagay. Gayunman sya lang din ang nag-iisang may likha na pwedeng kumuha sa ating kaluluwa at dalhin sa lupang pangarap ng lahat. At mamuhay ng tahimik at may saya."
Medyo malakas ang bugso ng hangin sa paligid. Hindi ko rin masilayan ang sinag ng araw sa madilim na kalangitan. As I have recalled before leaving from our mansion, napansin ko pa ang daliri ng orasan sa aming dingding na nakatutok sa saktong alas-nwebe ng umaga.
Bumyahe kami mga kalahating oras hanggang dito sa sementeryo kaya't nasisiguro kong masyado pang maaga para magtago ang araw mula sa paningin ko.
"May bagyo yata."
"Ang tagal naman ng pari magsalita. Antok na ako eh."
"Tumahimik ka nga, marinig ka pa mapaalis pa tayo."
May naririnig akong nag-uusap sa may bandang likuran. Nang bahagya ko silang masilip mga kaklase ko lang.
"Eh mas mabuti na nga 'yong umalis na tayo."
"Baliw. Sayang 'yong ibabayad nilang ten thousand para sa mga dumalo ngayon 'no. Kung gusto mo umuwi, umuwi ka na."
"Eh masyado pang matagal eh. Atheist ako."
"Pakialam ko kung Atheist ka. Mas mahalaga sa 'kin 'yong pera."
"Basta, iinom tayo mamaya."
"Oo na, basta 'wag ka na mag-ingay dyan."
Binalik ko na lang muli sa harapan ang aking tingin. Gusto ko silang sipain sa mga pagmumukha nilang pera lang ang kilalang diyos, pero nasa kalagitnaan ako ng pagbibigya galang sa puntod ng isang minamahal.
Kaya't wala ako sa posisyon ngayon para guluhin ang malungkot na seremonyas na ito.
"Na naaayon sa banal na kasulatan, ang kung sino man ang tumanggap at kumilala kay Hesus bilang kanilang natatanging tagapag-tanggol at maniniwalang sya lamang ang magkakalas sa kanila mula sa kanilang pagkakasala sa mundong ibabaw, ay makakatanggap ng walang hanggang buhay sa langit kasama ang Ama. Kasama ang hari ng lahat ng mga Hari. Panginoon ng lahat ng panginoon."
Mukhang patapos na ang pari sa sinasabi dahil nakaharap na ito sa puting kabaong na handa na para ibaba ng lubid sa malalim na hukay sa ibaba nito.
"Aming Ama. Nawa'y tanggapin at kaawaan ninyo ang aming mahal na kapatid, na kung sya ma'y tanggap ang inyong pagmamahal at sakripisyo'y inyong kunin at idala ang kanyang kaluluwa pabalik sa iyong natatanging kaharian. Na kung sya ma'y nagawang ibigay ang kanyang sarili bilang makasalanan at tinanggap kayong kanyang natatanging tagapag-tanggol, ipapaubaya namin sa inyong natatanging trono ang paghahatol. Sa ngalan ng Ama, ng anak, at ng Espiritu Santo. . .Amen."
All rights reserved © 2023
grimmreaper18®
BINABASA MO ANG
The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]
FantasyTeiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders, making him feel like being chained for his entire life by his family. Until "Battle of Tamers online...