Chapter 36: "The Warning of a Beast"

137 23 0
                                    

Chapter 36: "The Warning of a Beast"

Teiro's point of view

I CAN'T think anything clear.

Pinangungunahan ako ng kaba na isiping nandito ang taong 'to ngayon. Hindi ko maaaring makalimutan ang pagbabantang ginawa nito noon, bago sya tuluyang tumiwalag sa grupo.

Nang dahil lang sa tingin nyang hindi makatarungang pagkamatay ni Phoenix, isinisi nya ang lahat sa akin. Napakababaw na dahilan. Lahat naman kami alam kung ano ang talagang nangyari ro'n at kahit ako'y gustong tulungan si Phoenix, but to my own weakness, I was like a rat, trapped in a corner. I can't do anything.

Dahil do'n, nabuo ang isang kaaway sa katauhan ni Lucius. Isang namumuong paghihiganti dahil sa hindi nya matanggap-tanggap na pagkawala ni Phoenix.

Kaunting mga araw na ang nagdaan. At ganito na kalaki ang pinagbago ni Lucius. Level 36 na sya. Magka-level sila ni Leonidas.

At tsaka ko lang din napansin ang isang alaga nya sa lupa, sa mismong ibaba ko ngayon na nakatutok sa akin ang mababangis nitong mga mata.

Two-times na mas malaki ang katawan nito kay Lucius. Isang Imoogi monster! Kahalintulad ito ng isang snake dragon pero higanteng serpyente pa ang anyo nito ngayon. May dragon na kaliskis sa katawan at may kunting pair of green horns sa ulo.

Then my eyes widened, as the monster below, jumps up like a spear to my feet trying to swallow me whole. Kaya't inakay ko agad sa baywang ang katabi ko't tumalon sa sanga kung nasaan si Leonidas.

The branch we abandoned was broken as the Imoogi swallowed it without hesitation. Kung nando'n ako, I'm sure I'll be its snack for today.

Lumikos sa malaking katawan ng kahoy sa tabi ang Imoogi monster paitaas, saktong nakipagtitigan din akin.

At bigla-bigla ulit itong bumulusok papalapit kay Harmony nang nakabuka ang bibig na may matutulis na ngipin.

Kaya't sabay kaming tatlong tumalon, dumiretso sa sanga ang kagat nito't bumagsak ng tuloy-tuloy sa ibaba, samantalang ginamit naman naming momentum ang katawan nito't tumalon pa nang mas mataas.

Bumagsak ang Imoogi sa lupa, but it coiled its body, aim to us again and bounces back towards us. Grabe, para lang syang bola sa bilis.

Nakatungtong kami sa sanga na medyo mataas, pero palapit na naman anim na metro sa aming likuran ang Imoogi, kaya't walang pag-aalinlangan itong sinalubong ni Leonidas ng talon din.

At sabay pababang sinuntok ang ilong ng Imoogi ng sobrang lakas. Tumalsik pababa ang halimaw. Nagkanda-putol putol ang mga sangang nasagi nito sa pagbagsak at malakas na kalabog ang nangyari nang bumagsak din ito sa lupa.

Babagsak na rin sana sa lupa si Leonidas dahil wala nang sangang pwede nitong tungtungan, kumilos si Nerfius para ito'y dagitin sa gilid at nakatungtong naman silang muli sa isang sanga.

Napangiti ako na makitang ligtas sya.

"Ohhh. Ang galing talaga. Wala talagang nagbago sa kanya."

Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig si Lucius sa aking gilid na nagsalita. At bago ko pa ito malingon isang paikot na sipa direkta sa aking mukha ang nagpatalsik sa akin pababa ng sanga ng sobrang bilis.

Namula agad ang ilong ko sa lakas. Habang bumabagsak, namalayan ko ang pagsigaw ni Harmony at ang pigura ni Lucius na umaalis habang tangay-tangay sa balikat ang dalaga.

Kaasar!

Before I even dropped to the ground, I spinned my body around a branch and with the momentum tumalon ako pasunod sa kanya.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon