Chapter 60: "The Sea King"

123 21 0
                                    

Chapter 60: "The Sea King"

Third person's point of view

THE SHIP is huge. Tatlong deck ang meron ang barkong ito't may limang bodega't lagpas dalawan-daang kwarto para sa maraming mga pasahero't lagayan ng mga karga.

Lagpas limampung kataong nakasuot ng pulang kapa ang nagpapalibot-libot sa bawat parte palibot ng barko upang siguruhing hindi sila nasusundan ng kahit anong hindi inaasahang bisita sa barko.

Sa upper deck, nando'n nakatayo ang isang lalaki habang nakaharap sa nilalayag na dagat. May maliit na mesa sa tabi nito't nakapatong doon ang isang metallic cage na gawa sa pinakamatibay na uri ng kulungan sa kontinente. Maliit lamang ito ngunit sapat na sa maliit na nilalang ang magkasya sa loob no'n.

Mahimbing na natutulog ang itim na pusang iyon habang may nakasuot na metallic collar sa leeg na nagpapanatiling mahina sa pusa. Hindi nya mapigilang mapagmasdan ang nilalang hanggang sa gumabi na ang kanilang paglalakbay. Sa lahat ng kanilang nahuling beasts, ito lang ang nag-iisang nilalang na mas pinahahalagahan nya.

Ang lalaking ito'y kulay pula ang mga mata't nakapusod ang pula ring mahabang buhok. Nakatatak sa kanyang itaas ang hologram profile at mababasa ang pangalang Chrolov. Isang level 71 fighter type player na nabibilang sa human species. Sya ang Captain ng RedLily Faction at ang kumakatawan ding isa sa apat na miyembro ng Continental Founders.

Tinatawag silang Founders dahil isa sa kinakailangan ng player na gawin bago sya bigyan ng posisyon ng Founder, ay dapat sya'y lagpas level 70 ang lakas. Ito'y isa ng Royal Tamer base sa system. Pangalawa sa kailangan ay dapat nakapatay ka ng isang Orikia Soul kaya't kahit hindi sabihin ng system. Mayroon na lamang tatlong buhay ang natitira kay Orikia sa mga panahong ito.

Tahimik ang lahat na nagpapalakas ng sarili at ang apat na kilalang Founders na ito ang talagang nakagawa ng kamangha-manghang mga bagay.

Lucius arrived behind Chrolov in a blink of an eye, "What's wrong?" Chrolov asked, still eyes straight on the dark horizon.

"May paparating na bagyo sa sea coordinates na dadaanan natin," - Lucius answered. "Masyado itong malakas at kahit ang barkong ito'y hindi kayang makalagpas kapag ganito kabigat ang bagahe natin."

Unti-unting lumalakas ang hangin gaya ng sinabi nito. Nahahawi ang kaunting hamog na dumadaan sa barko't nagsisimula nang bumuhos ang mahinang ulan. The waves are getting rougher and rougher disturbing everybody onboard by the sudden movement of the ship.

The sky is getting darker and darker, with lightning visible all over the sky. Thunder claps continuously kaya't nagpasya ang Founder na kunin ang kulungan sa mesa't nilagpasan si Lucius, "Those beasts with an average levels from 25 below. Dump them overboard."

"Aalisin pa ba namin sila sa mga kulungan?"

Chrolov halts before facing again to his right-hand man. "If you want to waste time doing that for each of those pests, then suit yourself. Just make sure we'll not going to drown by your poor judgement, Lucius."

Naiwan ito sa bahaging 'yon ng ilang segundo bago nagpasyang ikalat sa lahat ng mga kasamahan ang utos ng kanilang captain.

Napaka-ingay na sa labas ng mga kwarto ng barko. Maingay ang mga beasts na tila nagmamakaawang pakawalan sa kanilang mga kulungan habang hinihila ang mga ito sa gilid ng barko.

"Hindi ba natin sila pakakawalan?" - tanong ng isa.

They looked at one person which is si Lucius para hintayin ang utos nito. Tahimik ito ng ilang segundo at halatang nagdadalawang-isip sa kanyang gagawing hakbang.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon