Chapter 56: "Insane"

98 19 2
                                    

Chapter 56: "Insane"

Teiro's point of view

NEKUMA CAME back beside me.

"Meow~" as if he's trying to convey something out from those usual moans kaya't kahit wala akong naiintindihan, I just replied with a smile.

"Yes. You did a great job saving us both out there, Nekuma. We're very proud of you." hinimas ko ang ulo nito and he closed his eyes savoring the touch with that joyous and contented smile.

[Third Quest!; INSANE difficulty. "Your luck will save you."]

The final quest arrived. Tumuntong sa balikat ko si Nekuma bago ako tumalon pababa't nilapitan si Leonidas na ngayo'y kakabangon pa lang sa binagsakan nyang lupa. How long does this man want to lie down here?

"The third quest just came up." I announced.

"Yeah. Finally, the last one." pinagpag nito ang sarili't nilibot ang tingin sa aming paligid. "Now what should we do?"

"I don't know." mabilisang sagot ko. "All it said was to survive no matter what the costs are."

"Ibig lang sabihin do'n, hindi pangkaraniwang challenge ang kahaharapin natin ngayon." paliwanag nya. "Thanks for the save, by the way, little devil."

"Meow~"

With us still clueless of what the text meant to be understand, nanatili muna kami sa isang high position para magmasid sa paligid. "The city is oddly quite this time." hindi ko mapigilang kabahan sa sitwasyong ito.

"Tahimik naman 'to no'ng una ah. What seems to be the different to it?"

Nilingon ko sya. "Hindi mo ba napapansin? Hindi pangkaraniwang katahimikan ang bagay na tinutukoy ko."

"What do you mean by that 'silence' you're talking about, then?" he asked, while checking his profile kung bumalik na ba sa full power ang HP at MP nya.

"Para bang, may nakamasid lang sa 'tin mula sa malayo at handa ng umatake hangga't kailan nito gustuhin."

He scoffed, still doubting my instinct. "So that creeps you out already?"

"Palibhasa, wala ka namang pakiramdam kaya hindi na ako magugulat kong manhid ka lang palagi." bulyaw ko kaagad dito bago umiwas ng tingin na nakasimangot.

"Hindi. Biro lang." biglang sumeryoso ang tono nya kaya't nabalik sa kanya ang tingin ko. "the truth is. There's something dangerous behind us now."

Napalingon ako sa aming likod at nanlaki ang aking mata sa nakita. Mula sa isang makapal at maitim na ulap, lumabas ang dambuhalang dragon na kulay pula ang kaliskis at pakpak nitong pumapagaspas while descending near us.

Gulat akong napatayo. "Bakit ngayon mo lang sinabi!"

"Malay ko ba kung takot ka sa dragon." and the next time I stared back at him nakatalon na ito pababa sa isa pang building rooftop at mabilis na tumakbo papalayo. "run or die, kid!"

"Aba't--!" nakakainis, gusto nya lang yatang maka-survive rito mag-isa ah!

Sumunod ako sa kanya sabay narinig ang nakakapanindig-balahibong sigaw ng halimaw sa himpapawid.

And suddenly it releases a giant fireball out of its mouth papunta sa akin. Mabilis akong pumagulong at sumabog ang platform sa likod ko sabay nagsitalsikan ang mga debris na halos ikabingi ko sa lakas.

Hindi 'yon tumigil at sunod-sunod na apoy pa ang bumulusok na binubuga ng dragon habang sinusundan kami sa itaas.

Halos masira na ang buong building na naiiwanan ng aming mga paa dahil butas-butas na ito't nababalot ng matinding apoy.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon