Chapter 92: "Nice To Meet You"

92 13 3
                                    

Chapter 92: "Nice To Meet You"

Teiro's point of view

OUTSIDE IS still filled with explosions. Rinig na rinig namin ang sigawan ng mga beasts sa labas but we ought to ignore our surroundings kung ayaw naming mabigla sa atake ng isa't-isa. We don't need distractions whatsoever and our only goal is to win our fights the way we both wanted to end.

"Are you really sure you can win this war just because you have Leonidas on your side?" he suddenly said. "No matter how strong that captain of yours is, wala pa rin syang laban sa Continental Founders sa templong 'to and you knew well about that thing, don't you? Your defeat is already sealed on our weapons."

"I'm not here to discuss prophecy, Alistair." I quickly replied. "So if you don't mind. Let's just finish what you wanted to be done so that I can go on with my busines already."

He threw three kunais in a single blink making me parry them quickly that created loud noises hit after hit. And the second I blink again, he's already infront of me. "Hinintay kong makita ang pagbagsak mo, pwede bang mag-seryoso ka naman?" he stabs my neck but I dodged it in the nick of time, right then sinubukan pa nyang hiwain ang leeg ko gamit ang isa pang dagger ngunit naiyuko ko naman ang ulo't, 'yong isa na namang dagger nya ang pataas na iwinasiwas sa akin ngunit saktong naiatras ko naman ang sariling katawan.

Umabante syang inulit-ulit ang pagwawasiwas ng sandata ngunit nasasalag ko lang ito't naiiwasan. Umalingawngaw ang kalansingan sa paligid hanggang sa masipa ko sya sa mukha ngunit nagalusan pa nito ang kanang braso ko bago ko sya tuluyang nasaksak sa dibdib. Using my skill, that thrust was followed by an explosion that cracked the floor and anything surrounding us kasabay nang pagtalsik nyang tila kidlat sa bilis na halos tatlong kwarto rin ang nawasak at nalagpasan sa lakas.

The poison kicked in faster than a snake binding around my wounded arm like a spreading virus that left it totally helpful. Ang kaliwang kamay ko na lang ang nagagalaw ko kaya't bago pa mabitiwan ng kanang kamay ang espada, pataas ko itong sinipa't sinalo ang handle sa aking bibig.

Kumuha ng antidote sa bulsa ngunit bago ko pa man din 'yon nagawa nanlaki na lamang ang aking mga mata nang maramdaman ang presensya ni Alistair sa aking likuran. "You seemed in a rush. Don't worry, you'll die quickly before you even know it."

He motioned his daggers to slash my nape with those deadly weapons he's holding but with my left sword I blocked that attack without looking back before spitting infront of me the sword I held with my teeth, as I quickly kicked it over my head towards my back directly thrusting its pointy blade to Alistair's eyes, kung hindi lamang sya agarang nakahilig pagilid ng leeg.

Dumiretso ang bulusok ng espada sa pader sa likod nya't muling iwinasiwas ang dalawang daggers na umaabante sa 'kin. With my one sword on hand, sinalag ko ang bawat wasiwas nito habang napapaatras na rin dahil sa pagiging agresibo nito.

Walang tigil ang kalansingan. I rolled to a side but he spinned his body right near me and didn't even left a space between us at nagpatuloy pa rin sa kanyang atake.

The poison kicked in again, leaving my HP with 48% kaya't nahilo agad akong napaluhod ang isang tuhod sa sahig. He used that chance to hit a heelkick directly at my nose causing me to fly backward with such speed na halos kasing bilis lang ng nangyari sa kanya kanina.

Nasa 21% na lamang ang buhay ko kaya't inalis ko agad ang natambak na debris ng kahoy at semento sa katawan ko't bumangon na malakas ang tibok ng puso't halos mabingi na dahil sa epekto ng lason.

I need to drink some antidote to lessen my burden while fighting. This might be the entire reason kung bakit ako matatalo sa laban naming ito.

Mula sa wasak na pader kung saan ako nanggaling mula sa pagkakatalsik, sunod-sunod na kunai na naman ang nagsibulusukan paparating sa 'kin kaya't sinipa ko ang isang malaking sirang aparador sa harapan at saktong nagawa ko itong harang sa paparating na mga kunai.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon