Chapter 30: "The Captain's Cap"

196 21 3
                                    

Chapter 30: "The Captain's Cap"

Teiro's point of view

"ANO BA namang ginagawa mo?"

He looked at me with his right eyebrow raising. "What do you mean?" his left hand is inside his pocket while the other one is dragging a wooden cart with two wooden legs filled with magical eggs.

Naglalakad na kami pabalik sa Inn at dala na nga nya itong prize nyang hindi naman kasya sa inventory kaya dinala na lang namin pati ang wooden cart na pinaglalagyan nito.

I heaved a heavy sigh. "I nearly died deflecting that axe earlier! Paano mo ba mapapanagutan kung naputol ang leeg ko no'n?!" I exclaimed while trying to point out the danger I confronted dahil lang sa laban nya.

Umismid lamang syang binalik sa daan ang tingin. "Then I'll just send you my heartfelt condolence. Or condolences kung nadamay pati 'yong mga tao sa likod mo."

Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ang mga ito sa kanya. "Wala ka talagang pakialam kahit mamatay ako. Isipin mo namang mag-isa ka na lang sa faction kapag nangyari 'yon! Hindi ka man lang ba naaawa sa 'kin?"

"I don't have time to share some pity on you. I'm busy for our preparation to gather strength and experience, o kahit mga impormasyon patungkol sa kahit anong mga bagay ay wala pa rin tayong nakukuha. Hindi sapat ang kakayahan meron tayo ngayon kung nais man nating sirain ang game." he's explaining with hand gestures using his left hand while saying those words full of conviction.

I believed him, even though imposible masyado. Ka-faction ko na sya. At kaming dalawa lang naman ang magkakampi ngayon kaya't sino pang maniniwala sa kanya kundi kami-kami lang din.

"But tournaments like that is too dangerous."

"That round-shaped stage is a revival stone capable of healing the dead back to his life even if they're already not breathing." paliwanag nito sa 'kin nang may kompyansa. "Kung hindi lang kami aalis sa loob ng stage, kahit mamatay kami, babalik at babalik kami sa dati as if nagre-respawn lang."

I heaved a deep sigh taking a sidelong glance at him, hands both inside my pocket. "Kahit na. Hindi pa rin 'yon dahilan para maging kompyansa ka. Pa'no kung namatay kayo sa labas ng stage? Edi deads na talaga sya at malalagot ka na at malalagot ka na naman sa Croosevent faction. Or more worse, ikaw naman ang mamatay. Pa'no ko na lang pamamahalaan ang faction na 'to nang mag-isa kung wala na ang damuho kong captain."

Pinitik nya ang noo ko kaya't gulat akong natigil sa paglalakad. "Aray! Ano bang ginagawa mo?" sapo-sapo ang aking noo na tiningnan syang humarang sa akin.

Seryoso ang mukha nitong bahagyang nakadungaw sa akin, then he replied, pointing his finger close enough towards my nose. "Don't think that this game is just a game, Hezuya. Ibang-iba na 'to sa nakasanayan ng lahat na laro-laro lang. No once cares who died or who lives. Of course magagalit ang iba kung mamamatay ang kaibigan nila. But they'll definitely kill someone in order to survive on their own too. This is not just a survival game. This is a serious life or death battle. Naiintindihan mo?"

I remained silent after he left me there with that threatening thoughts, even though I already knew our situation.

Huminto sya ilang metro at muli akong nilingon. "At isa pa, hindi ko naman iilagan ang axe na 'yon kung hindi ikaw ang nasa likuran ko. I dodged it dahil alam kong kaya mong ma-deflect 'yon kahit anong bilis pa. As your captain, may tiwala ako sa member ko kaya good job sa backup mong 'yon. Niligtas mo rin 'yong mga tao sa likod mo kaya maging proud ka sa sarili mo."

I just scoffed, mumbling words; "'Wag ka ngang mag-dahilan dyan. Ang sabihin mo hindi mo lang talaga kayang pigilan ang axe."

Dumaan lang muna sya sa isang trading shop malapit sa Inn. Habang ako'y dumiretso na pabalik sa aming hideout.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon