Chapter 52: "First Quest"
Teiro's point of view
CHECKING FROM different alleys and highways. Roaming my eyes from a lot of building windows. Forcing my way inside floors through those glasses in order to find clues more faster.
But still, nothing came up. Napapaisip tuloy ako kung mayroon bang mali sa paraan ng paghahanap ko. Still. I continued searching around the city squares, public playgrounds, parks. Riversides until natigil ako sa paglalakad nang mapansing labin-limang minuto na lang ang natitira bago kami maubusan ng oras.
"Dammit! I'm wasting too much time!" Hindi ko maiwasang kabahan sa maaaring kalalabasan ng larong 'to.
Sa lalim ng pag-iisip ko't magkahalong pagod at inis na rin, napilitan akong maupo muna saglit sa isang swing ng public park. Napahinga ng malalim at no'ng akmang titingala ako, kaagad akong napayukong napagulong paharap sabay pihit sa likuran.
Isang wasiwas ng patalim ang narinig ko kasabay nang galaw kong 'yon at saktong narinig at nakita ko mismo ang pagkakaputol ng swing na kinauupuan ko ngayon-ngayon lang.
Isang Orc na may tangkad na halos limang pulgadang mas matangkad sa akin at mas malaki ang katawan ang naroroon. May panget itong pagmumukha't may isang ginintuang sungay sa noo. May giant axe itong hawak sa kanang kamay habang matatalim ang pulang matang nakatitig lamang ito sa akin.
Looks like it found me instead of me finding them. Hilarious.
Umangil ito't ipinakita ang naglalaway na bibig kasama ang nagtatalimang ngipin na katulad ng pating. My bones might break into sand kung saktong makagat man ako ng mga ngipin nito.
Hinugot ko ang aking dalawang espada't saktong sandali rin naman para sya'y kumaripas ng takbo papunta sa 'kin.
Sa sobrang bilis nya, nakarating ito sa harap ko sa isang iglap lang at walang pagdadalawang-isip na inihambalos ang sandata pababa sa bunbunan ko. Pero nakatalon naman ako paatras saktong napaiwas sa nabitak na lupang nabagsakan nito. Sabay diretsong tumalon paharap at ipinabulusok ang kanang espada sa mukha nito, subalit mabilis din nyang napwersang maangat ang axe mula sa lupa't taginting ng aming sandata ang umalingawngaw nang ito'y saktong magtama't paikot akong napatalsik paatras.
Sumugod syang muli't paikot na iwinasiwas pahalang ang sandata sa kanang tagiliran ko dahilan upang makapag-somersault naman ako ng diretso. While my body is still in midair right above this beast, sinubok kong sabayang isinaksak ang right sword pababa sa bunbunan nya, but he quickly covered its axe above its head in a blink of an eye letting my sword divert again in a noisy sound along with the spark.
Nang muli akong makalapag sa lupa, umikot sya't tinuloy ang pag-atake sa akin ng walang tigil. Umiwas ako't sinubukang salagin lahat ng mga wasiwas nya. Lumakas ang mga ito at kapansin-pansin ang nasisirang kahoy at sementong nababagsakan at nahihiwa sa walang tigil nyang atake sa 'kin.
Sinubukan kong maunang umatake sa kahit saang direksyon ngunit nasasalag nya lamang ang mga ito dahil sa bilis ng kamay nya. Hanggang sa kamuntikan ko nang matusok ang leeg nito ng left sword ko ngunit nauna nya akong masipa sa sikmura bago ako napatalsik ng sobrang bilis.
Nasa 60% na lang ang buhay ko. Malakas ang beast na 'to. Hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya. Tatlong beses na mas mataas ang level nya kesa sa 'kin kaya't hindi na 'yon maikakaila pa. Kung sanang mas mabilis ang mata kong makita ang butas sa depensa nya baka may pag-asa pa 'ko.
Teka lang.
Mabilis? Mas mabilis ang mata? Tama!
Mas mabilis ang mata nya kesa sa kilos nya! Ibig sabihin!
BINABASA MO ANG
The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]
FantasyTeiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders, making him feel like being chained for his entire life by his family. Until "Battle of Tamers online...